Pinatay na driver ng pamasadang SUV, nakatanggap muna ng pagbabanta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinatay na driver ng pamasadang SUV, nakatanggap muna ng pagbabanta

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Natagpuan Lunes ng umaga sa Bgy. Alalum, San Pascual, Batangas ang SUV na pagmamay-ari ng isang lalaki na pinatay at natagpuan ang bangkay sa Tagaytay City kahapon. Ipinapasada ng biktima ang SUV. Nawawala pa ang karelyebong drayber. Retrato mula sa San Pascual PoliceNatagpuan Lunes ng umaga sa Bgy. Alalum, San Pascual, Batangas ang SUV na pagmamay-ari ng isang lalaki na pinatay at natagpuan ang bangkay sa Tagaytay City kahapon. Ipinapasada ng biktima ang SUV. Nawawala pa ang karelyebong drayber. Retrato mula sa San Pascual Police

MAYNILA — Labis na nag-aalala ngayon ang pamilya ni Ruel Roca, ang kasama at pinsan ng pinaslang na Dexter Roales, ang driver ng SUV na ginagamit pamasada sa Cavite, Batangas, Quezon, at Laguna.

Lunes ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Roales sa Tagaytay-Mendez road na may tama ng bala sa ulo.

Inabandona naman ang kanyang SUV sa damuhan sa ginagawang subdibisyon sa Barangay Alalum sa San Pascual, Batangas. 

Karelyebo na magmaneho ni Roales ang kanyang pinsan. 

ADVERTISEMENT

Ginagamit kasing door-to-door transport service ng biktima ang kanyang SUV.

Ayon sa kapatid ni Roca, hanggang ngayon hindi pa nila nakakausap ang kanilang kapatid. 

“Sana naman po kung sino ang makakakita kay Ruel ay ipagbigay-alam agad po sa amin... Hindi namin alam kung saan lugar ang aking kapatid na nawawala. Ang suot daw niya ay kulay puti na Fubu at maong na short," ayon sa kapatid ng biktima ns si Rolly Roca. 

TESTIGO

Samantala nakunan na ng PNP ng testimonya ang isa sa mga pasahero ng SUV nang mangyari ang umanoy pangho-hodlup. PInakawalan ng mga salarin ang pasahero kaya nakapagbigay ng testimonya sa PNP.

Kwento niya, nagising na lamang siya sa pagkakaidlip habang nasa biyahe nang may marinig na putok ng baril.

ADVERTISEMENT

Ang may kagagawan nito ayon sakanya ay ang dalawang lalaki na nagpanggap na pasahero at sumakay sa SUV sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

"Bigla na lang ako naalimpungatan sa isang putok. Akala ko po naaksidente na kami. Ngunit nang pagmulat ko ng aking mata, pagtanggal ko ng panyo sa aking mukha, nakatutok na po ang baril sa driver. Nakatigil na po kami sa isang lugar na madilim. Nagdeklara na po sila ng holdap. Sa takot po nagmamakaawa ako na ibaba na po kami, ganun din po ang sinasabi nung kasama nung drayber dahil sa kaniya na nakatutok ang baril," kwento ng pasahero. 

May ikatlong lalaki pa umanong sumakay sa SUV matapos ang pamamaril.

"Ilang minuto lang po may tumawag kung nasaan na raw po siya. Nagulat na lang po ako nang may bigla silang sunduin, sa isang lugar, at ito na po ang nagpatuloy ng pag-drive," kwento ng pasahero.

Bandang alas-tres na umano ng madaling araw ng Lunes nang ligtas siyang ibaba ng mga lalaki malapit sa isang mall  sa Lipa, Batangas.

ADVERTISEMENT

"Wala ako sa sarili, iniisip ko po 'yung nangyari, hindi ko po alam kung ako'y masaya na ako'y naka ligtas, isang putok lang din maaari na rin akong mawala eh," sabi ng pasahero.

Nang makauwi, dumiretso siya agad sa Mulanay Police para isumbong ang insidente.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

IBANG MOTIBO

Pero naniniwala ang pamilya na hindi holdap ang motibo sa pagpaslang.

Ayon sa kapatid ng napatay na si Dexter Roales, may natanggap na pagbabanta ang kaniyang kapatid.

ADVERTISEMENT

Labis ang pangungulila ng pamilya ni Dexter lalo na ang kaniyang naiwang 6-taong gulang na anak.

"Yung anak niya pong 6 years old laging nagtatanong, nasaan na si daddy...nakita niya sa cellphone 'yung damit na sabi niya 'parang kilala ko ito ah, ito 'yung damit ng daddy ko, nasaan na kaya si daddy, bakit hindi pa umuuwi?'," ayon sa kapatid ng biktima. 

Samantalan, iniimbestigahan na ng pulisya ang ginamit na messaging app na ginamit sa booking ng door-to-door transport service. 

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Force ang Tagaytay Police para tumutok sa krimen.

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.