TV PATROL: Sekyung nangholdap sa hotel staff tiklo
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TV PATROL: Sekyung nangholdap sa hotel staff tiklo
ABS-CBN News
Published Apr 09, 2025 12:06 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kalaboso ang isang security guard matapos makipaghabulan at manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Barangay Capitol Site sa Cebu City Martes ng madaling araw.

Ayon sa Abellana Police Station, nakatanggap sila ng report na hinoldap ng suspek ang front desk officer ng hotel na pinapasukan nila.

Pero imbes na sumuko, tumakbo ang suspek kaya hinabol ng mga rumespondeng pulis.

Nasukol ang suspek sa bahagi ng Osmeña Boulevard, pero nanlaban siya at tinangkang saksakin ang mga pulis. Dahil dito, napilitan ang isa sa mga pulis na barilin siya sa hita.

Pero, tumalbog umano ang bala at tumama sa braso ng pulis. Dinala sila sa ospital at nagpapagamot na.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. TV Patrol, Martes, 8 Abril 2025

Read More:
TV Patrol
kalaboso
security guard
sekyu
holdap
hotel staff
nakipaghabulan
nanlaban
tiklo
Barangay Capitol Site
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT