13 sangkot sa iligal na pagmimina sa Cavite, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
13 sangkot sa iligal na pagmimina sa Cavite, arestado

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Arestado ang 13 trabahador na sangkot umano sa iligal na pagmimina ng mga panambak sa Tanza, Cavite noong Martes.

Base sa ulat ng National Bureau of Investigation-Environment Crimes Division (NBI-ENCD), walang kaukulang dokumento ang naturang kompanya para maghukay ng lupa.

“Nagmimina sila ng mga panambak, quarrying, wala silang permit mula sa MGB (Mines and Geosciences Bureau),” ayon kay Atty. Sixto Comia, hepe ng NBI-ENCD.

Nakumpiska ang 21 backhoes at 28 dump trucks na ginagamit nila sa pagmimina.
Nakumpiska ang 21 backhoes at 28 dump trucks na ginagamit nila sa pagmimina.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Comia, delikado at posibleng magdulot ng landslide ang binungkal nilang lupa.

“Makikita niyo na more or less mga 6 to 8 meters ang lalim ng hukay at ang area ay hindi bababa ng 10 hectares. Kaya napakalawak ng operation ito,” ani Comia.

“‘Pag malalim ‘yung hukay, dumating ang tag-ulan, lalambot ‘yung foundation ng lupa. Pati ‘yung pader, posibleng gumuho ‘yung pader,” dagdag niya.

Depensa naman ng mga suspek, hindi nila alam na iligal pala ang operasyon.

“‘Yung araw naman ‘yun pa lang ako pumasok. Paano namin malalaman na iligal ‘yun? Nagta-trabaho lang naman kami para kumita ng pera,” paliwanag ng isang suspek.

“Ignorance of the law excuses no one,” sagot naman ni Comia.

Inaalam na ng NBI kung sino ang may-ari ng kumpanya at sinampahan na ng reklamong paglabag sa Republic Act 7942 o Philippine Mining Act ang mga suspek.