Pusa patay matapos ibalibag umano ng lalaki sa Bulacan; Animal Kingdom Foundation, nag-iimbestiga | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pusa patay matapos ibalibag umano ng lalaki sa Bulacan; Animal Kingdom Foundation, nag-iimbestiga

Iniimbestigahan na ng Animal Kingdom Foundation ang insidente ng animal cruelty na naganap noong Sabado ng umaga sa isang palengke sa Meycauyan, Bulacan.
Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang pusa na naglalakad nang biglang habulin at dakmain ng isang lalaki at ihampas sa sementadong sahig.
Ilang beses niya itong inulit at pagkatapos ay tila walang nangyaring umalis ang lalaki.
Ayon sa mga nakakita, sinubukan pa nilang isalba ang pusa pero makalipas ang higit 30 minuto ay nanghina na ito hanggang sa mamatay.
Ayon kay Atty. Heidi Marquez, program director ng Animal Kingdom Foundation, tukoy na nila ang lalaki na anak ng may-ari ng isang pwesto sa palengke at bagong laya lamang umano sa kulungan.
Nakikipagtulungan na ang foundation sa City Veterinary Office para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.
Nanawagan naman ng proteksyon ang lalaking nag-upload ng video sa social media dahil sa sunod-sunod na pagbabanta sa buhay na kaniyang natatanggap.
Hindi na rin nakapagbukas ng tindahan sa palengke ang naturang lalaki dahil sa takot.