2 naaagnas na bangkay natagpuan sa boundary ng San Mateo at Antipolo sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 naaagnas na bangkay natagpuan sa boundary ng San Mateo at Antipolo sa Rizal

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa boundary ng San Mateo at Antipolo City sa Rizal.

Ayon kay Alberto Zeller Jr., hepe ng Barangay Police Safety Office, isang concerned citizen ang lumapit sa barangay matapos makita ang dalawang bangkay sa pagitan ng Barangay Silangan at Barangay Cupang noong Biyernes.

Nasa edad 52 at 37 ang mga biktima.
Nasa edad 52 at 37 ang mga biktima.
"May report ang presidente ng community doon kung saan natagpuan 'yung dalawang bangkay, mga lalaki, nasa stage na ng decomposition," sabi ni Zeller.

Ayon sa barangay, liblib ang lugar kung saan natagpuan ang dalawang lalaki.
"May pagka-forest siya, makahoy, at wala masyadong residente. Boundary siya. Malapit sa bangin, may puno rin ng kawayan," sabi ni Zeller.
Agad namang nagpunta sa lugar ang barangay at pulisya para marekober ang bangkay.
"Na-idenity na po 'yung mga victims po na natagpuan po rito sa area namin. Isa pong tricycle driver at 'yung isa po ay kasa-kasama lang po ng driver," sabi ni PSSG Genesis Almasco, Investigator-On-Case ng San Mateo Municipal Police Station.
Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation at operation ng pulisya para malaman ang motibo sa karumal-dumal na krimen at madakip ang mga responsable.
"Patuloy po ang pagba-backtrack ng pieces of evidence at mga CCTV footage sa pinangyarihan para makakuha ng ebidensya at ma-filean na ng kaso ang may gawa," sabi ni Almasco.
Nakuha na ng pamilya ang mga bangkay na pawang residente ng Antipolo City.