Sinibak na mayor, muling nakabalik sa pwesto matapos katigan ng korte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sinibak na mayor, muling nakabalik sa pwesto matapos katigan ng korte

LOBO, Batangas -- Nakabalik bilang mayor ng Lobo, Batangas si Lota Manalo, anim na buwan matapos siyang patalsikin ng Ombudsman dahil sa mga kasong grave misconduct, gross neglect of duty at violation of ease of doing business na isinampa ng isang construction company.

Binaligtad ng Court of Appeals noong February 27, 2025 ang hatol ng Ombudsman at pinababalik bilang alkalde ng Lobo si Manalo.

Pero naantala ang pagpapatupad nito matapos maghain ng motion for reconsideration ang naghain ng reklamo.

Ngunit sa inilabas na resolusyon ng Court of Appeals nitong April 11,2025, ibinasura ang motion for reconsideration.
Ngunit sa inilabas na resolusyon ng Court of Appeals nitong April 11,2025, ibinasura ang motion for reconsideration.
ADVERTISEMENT
Ayon sa CA, ang mga argumentong inilahad ng complainant ay pawang paulit-ulit lamang ng mga isyung naresolba na.

Dagdag pa ng CA ,sayang lamang ang mahalagang oras ng hukuman kung muling babalikan ang mga bagay na naresolba na.

“Ito po ay katibayan para sa panalo natin para sa ating laban para sa bayan natin ,para sa minamahal nating bayan, finally nakuha din natin ,ang tagal-tagal natin hinintay,“ sabi ni Manalo.

Dahil dito, iniutos ng CA na ibalik agad si Manalo sa kaniyang dating posisyon bilang mayor na hindi nawawala ang kaniyang karapatang may kinalaman sa seniority, bayaran ang mga back wages at lahat ng benepisyong dapat sana’y natanggap niya kung hindi siya iligal na tinanggal bilang mayor alinsunod sa rules on administrative cases ng Civil Service.