Koreano patay matapos holdapin at barilin sa Angeles City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Koreano patay matapos holdapin at barilin sa Angeles City

ABS-CBN News,

Gracie Rutao

 | 

Updated Apr 22, 2025 08:58 PM PHT

Clipboard

Nagluluksa ngayon ang Korean community sa Pampanga sa pagkamatay ng isa nilang kababayan noong Abril 20, Linggo.

Sa kuha ng CCTV bandang 1:50 ng hapon, nakatayo ang biktima sa tapat ng isang bangko kasama ang isang kaibigan na isa ring Korean national nang biglang lumapit ang dalawang suspek na sakay ng isang itim na motorsiklo. 

Bumaba ang armadong backrider at inagaw ang sling bag ng kaibigan ng biktima laman ang Korean passport, P5,000 cash, at cellphone.

Sinubukang bawiin ng magkaibigan ang sling bag mula sa suspek at dito na binaril ng back rider ang biktima at mabilis na tumakas.

ADVERTISEMENT

Agad dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang patay na pagdating.

Kaagad na nakipagpulong ang Angeles City government sa pulisya at binigyan ang mga ito ng 72 oras na palugit para lutasin ang pagpatay sa biktima.

“Nagbigay din po ng utos si Mayor Pogi Lazatin na magset-up po ng mga checkpoints at mag-increase po ng police visibility. Inatasan din po ang ating Angeles City Command Center na i-check po ang bawat anggulo ng ating CCTVs, actually nakita na po saan dumaan, saan nanggaling at naibigay na po ito sa ating kapulisan," ani IC Calaguas, chief adviser ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr.

Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay ng isang Korean national sa panghoholdap sa lungsod, na nagdulot ng pag-aalala sa mga residente.

“Ina-assure po ng ating mayor na ang safety po ng ating mga Korean brothers and sisters at iba pa pong turista ay nananatili pong priority ng ating pamahalaan," dagdag ni Calaguas.

Ayon sa pulisya, sinimulan na nila ang pagba-backtracking sa mga CCTV at may tinututukan nang lead sa kaso.



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.