Our Lady of Lourdes Grotto Shrine, dinarayo ngayong Semana Santa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Our Lady of Lourdes Grotto Shrine, dinarayo ngayong Semana Santa

ABS-CBN News,

Val Cuenca

Clipboard

Ang Our Lady of Lourdes Grotto Shrine ay isang kilalang dambana sa Barangay Graceville, San Jose del Monte, Bulacan. 

Itinatag ito noong Pebrero 11, 1965 nina Horacio at Anita Guanzon bilang replika ng Rosary Basilica sa Lourdes, France. 

Bagamat pribado, dinarayo ito tuwing Mahal na Araw at iba pang banal na araw.

Sa pagbisita, makikita ang arkitektura at disenyong hango sa basilika sa France.

ADVERTISEMENT

Ang dambana at kuweba na may imahen ng Birheng Maria.

Kabilang din ang Via Crucis, o 14 estasyong may life-sized na imahen para sa debosyon. 

Isa ding dinadayo ang healing spring na pinaniniwalaang nakagagaling.

Hindi lang ito lugar ng pananampalataya, kundi bahagi rin ng kasaysayan at kultura ng Pilipino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.