TV PATROL: Estudyante patay sa rambol sa Bontoc, Mountain Province

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TV PATROL: Estudyante patay sa rambol sa Bontoc, Mountain Province

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 11, 2025 08:11 PM PHT

Clipboard

TV PATROL: Estudyante patay sa rambol sa Bontoc, Mountain Province
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang estudyante sa Bontoc, Mountain Province, matapos mauwi sa suntukan ang alitan ng nasa 10 kabataan. Sa kuha ng CCTV, nagtulakan hanggang sa nagsuntukan ang grupo ng mga kabataan sa labas ng isang restobar madaling araw noong April 6. Ayon sa pulisya, nagsimula  ang gulo matapos lapitan ng isa sa mga suspek ang nag-iinumang grupo ng biktima at hingan sila ng 10 piso. Pero nang hindi binigyan, nagalit umano ang kabilang grupo at nauwi ito sa rambol. Kabilang sa sangkot sa gulo ang 21 anyos na estudyante. Naisugod pa siya sa ospital, pero binawian ng buhay noong April 8 dahil sa traumatic brain injuries. Tukoy na ng pulisya ang mga sangkot na kabataan sa insidente. Nananawagan naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima. TV Patrol, Biyernes, 11 Abril 2025

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.