Bayan ng Wao, Lanao Del Sur, niyanig ng malakas na lindol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bayan ng Wao, Lanao Del Sur, niyanig ng malakas na lindol

Bayan ng Wao, Lanao Del Sur, niyanig ng malakas na lindol

ABS-CBN News,

Al Saludo

 | 

Updated Mar 08, 2025 09:58 PM PHT

Clipboard

Ginising ng malakas na paggalaw ng lupa ngayong madaling araw ng Sabado, Marso 8, ang bayan ng Wao sa Lanao del Sur sa Mindanao.

Nakunan pa ng residente na si Quine Love Pangtulog Tantua ang pinsala ng pagyanig sa kanilang lugar sa Purok 2 Barangay Eastern sa naturang bayan. 

Sa kanyang video, makikita na nagkalat ang ilang mga natibag na bahagi ng isang bahay dahil sa lakas ng pagyanig. Pati ang ilang mga gamit sa kusina, nagbagsakan din. 

Nasira din ang kisame ng isang bahay.

ADVERTISEMENT

Ayon sa tala ng Philvolcs, umabot sa Magnitude 5.1 ang lindol na may lalim na 10 kilometers.

Naitala ang mga Instrumental Intensities sa mga sumusunod:

• Intensity IV - Kalilangan, BUKIDNON 

• Intensity II - San Fernando, BUKIDNON 

• Intensity I - Malitbog and Libona, BUKIDNON; Kidapawan City, Magpet, and M'lang, COTABATO 

Sa lakas ng paggalaw ng lupa posibleng may mga naitalang damage at may mga aftershocks pa na inaasahan ayon sa PHIVOLCS.

Nitong nagdaang gabi lang ng yanigin din ng magnitude 4.9 na lindol ang nasabing bayan at sinundan pa ng anim pang aftershocks.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.