Road rage: Dalawang tsuper, nag-away dahil sa pasahero sa Davao City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Road rage: Dalawang tsuper, nag-away dahil sa pasahero sa Davao City

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa video ang pag-aaway ng dalawang lalaking tsuper sa C.M. Recto Street, Davao City, sa tabi ng San Pedro Cathedral, Linggo ng hapon.
Sa video na kuha ng isang residente, makikitang pinapalo ng isang tsuper sa gitna ng kalsada ang kapwa niya driver na nanlaban din.
Agaw eksena ang dalawa sa gitna ng kalsada at halos hindi mapaghiwalay. Pero naawat din sila kalaunan ng mga tao.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Davao City police, away sa pasahero ang pinag-ugatan ng pag-aaway ng dalawang tsuper, base sa salaysay ng isang sidewalk vendor.
Nagpa-blotter naman sa pulisya ang kapatid ng operator ng isa sa mga jeep para isumbong na nagtamo ng sugat sa dibdib ang kanilang driver.
Patuloy namang tinutukoy ng pulisya ang isa pang driver na sangkot sa road rage.