Dating kongresista nagsuko ng baril sa pulisya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating kongresista nagsuko ng baril sa pulisya

MAYNILA -- Apat na baril ang isinuko ni dating Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu sa mga miyembro ng Bauan Municipal Police Station bilang pagsunod sa election gun ban.

Kabilang sa mga baril na isinuko ay isang caliber 556, isang caliber 9 mm at dalawang caliber 45 at mga bala nito. Ayon kay PLtCOL. Mark Anthony Aningalan, hepe ng Bauan Police Station, pawang mga lisensyado ang mga baril ni Abu na isinuko .

“Malaking bagay po ito dahil ipinapakita po ng mga kandidato sa isang mapayapang election” PLtCOL. Mark Anthony Aningalan, hepe ng Bauan Police Station.

Ayon kay Abu, suportado niya ang kampanya ng Philippine National Police sa mapayapang halalan kaya hinihikayat niya ang iba pang mga pulitiko na isuko na rin ang kanilang mga baril.

“Bakit mo kakailanganin niyan eto naman election na ito ay hindi giyera eh di ibigay mo na lamang sa law enforcement agencies at tayo naman ay tiwala na kaya nilang pangalagaan tayo ng ating kapulisan itong darating na eleksyon” sabi ni Abu.

Si Abu ay muling tumatakbong kinatawan sa ikalawang distrito ng Batangas na makakalaban si incumbent Rep. Gerville "Jinky Bitrics" Luistro