Cruise port itatayo sa Puerto Galera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cruise port itatayo sa Puerto Galera

Cruise port itatayo sa Puerto Galera

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Tuloy na ang pagtatayo ng cruise port sa  Puerto Galera, Oriental Mindoro. 

Pinirmahan na nina Gov. Humerlito “Bonz” Dolor,  Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Atty. Jay Santiago at Tito Jolly Ting ang memorandum of agreement at deed of donation  para sa lupang pagtatayuan ng cruise port sa Puerto Galera na tinaguiang “Heart of Asia” . 

Ang higit 5,000 square meters na lupang pagtatayuan ng cruise port ay donasyon ng negosyanteng si Jolly Ting.

 Ayon kay Dolor, ang cruise port ay magsisilbing  panibagong pinto ng turismo sa lalawigan.

ADVERTISEMENT

 “Alam n'yo po, noong ibinoto ang Puerto Galera, Oriental Mindoro bilang  number 5 top tourist destinations sobrang saya namin ng PPA sapagkat ngayon ay bubuksan na natin ang journey para maitayo ang Oriental Mindoro cruise port,” sabi ni Gov. Dolor. 

Dagdag pa ni Gov. Dolor, noong February 5 ay na-i-bid na ang konstruksyon ng cruise port terminal na nagkakahalaga ng P706 million. 

“Matapos ang pirmahan ay actual ng sisimulan ang construction at matapos ang  2 ½  years ay bubuksan na po ang crusie port sa Puerto Galera,” sabi ni Gov. Dolor.

 “Sobrang excited po ang Oriental Mindoro sapagkat last year November ay nag-try po tayo magsimula, 'yung ating maiden cruise arrival  from  Australia at napakaraming Australian visitors ang dumating sa Calapan. This year  inaasahan po natin dito sa Puerto Galera kapag nabuksan ang cruise port natin, napakarami pong cruise passengers ang dadaong.”

Inaayos na rin ng Provincial Tourism Office ang mga cruise packages  mula sa North hanggang South ng Oriental Mindoro para siguraduhing ang Oriental Mindoro ay handa ,katuwang ang PPA, DOTr ,TIEZA at DOT.

 “Excited po kami dahil ang Puerto Galera is the gem of Oriental Mindoro,” dagdag ni Dolor. 

Sa oras na maitayo na ang cruise port ay inaasahan na ang pagbugso ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng bansa  na tinatayang nasa 2,500-3,000 kada biyahe.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.