​2 magsasaka patay, 2 sugatan matapos dukutin ng mga armadong lalaki | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

​2 magsasaka patay, 2 sugatan matapos dukutin ng mga armadong lalaki

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang dalawang magsasaka at sugatan ang 2 pa nilang kasamahan matapos na pagbabarilin sa talahiban sa Sitio Pagbahan, Bgy. Alacaak, Sta. Cruz sa Occidental Mindoro. Dennis Datu, ABS-CBN NewsPatay ang dalawang magsasaka at sugatan ang 2 pa nilang kasamahan matapos na pagbabarilin sa talahiban sa Sitio Pagbahan, Bgy. Alacaak, Sta. Cruz sa Occidental Mindoro. Dennis Datu, ABS-CBN NewsMAYNILA —  Patay ang 2 magsasaka habang sugatan ang 2 pa nilang kasamahan matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Sitio Pagbahan, Barangay Alacaak, Sta. Cruz, Occidental Mindoro noong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon, dinukot ang 4 na magsasaka bandang alas-11 ng gabi. 

Dead-on-the spot ang mga biktimang sina Clempoy Barrientos at Rustom Bayan, 47, aktibong miyembro ng CAFGU at Katasan Farmers Association.

Sugatan naman sina Jorly Maximo, 43, at Salvador Bang-asan, 61, na miyembro rin ng Katasan Farmers Association.

Ayon sa pulisya, nagpapahinga ang mga biktima sa kubo malapit sa Pagbahan River nang dukutin ng 3 armadong lalaki na nakasuot ng mga bonnet.  

ADVERTISEMENT

Dinala ang mga biktima malapit sa Pagbahan bridge, pinadapa, at saka pinagbabaril.

Nagawa umanong makatakbo nina Maximo at Bang-asan pero pinagbabarili pa rin sila ng mga suspek. Sumaklolo ang ilang residente nang marinig ang putukan at naitakbo sa ospital ang 2 biktima.

Ayon kay Police Capt. Aldrin Tividad, hepe ng Sta. Cruz Municipal Police Station, land dispute o away sa lupa ang motibo sa krimen.

Ang dalawang nasawi ay mga petitioner umano sa pinag-aawayan 55 ektaryang lupain sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Occidental Mindoro PNP para tumutok sa nangyaring pagpatay ng mga armadong lalaki sa 2 magsasaka.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.