Senior citizen patay matapos pugutan ng anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Senior citizen patay matapos pugutan ng anak

DAVAO CITY — Karumal-dumal ang sinapit ng 60 taong gulang na si Loloy Barlis matapos pugutan ng ulo sa Bgy. Madaum, Tagum City, Davao del Norte noong Linggo ng hapon.

Nakabulagta, wala nang ulo, at halos tinadtad na ang mga bahagi ng katawan ng biktima nang datnan ng mga pulis sa bahay nito.

Inaresto naman ng mga pulis ang suspek na anak ng biktima.

Ayon sa pulisya, inilagay pa ng anak sa kawali ang lamang loob ng ama at tinapon ang ilan sa puno.
Ayon sa pulisya, inilagay pa ng anak sa kawali ang lamang loob ng ama at tinapon ang ilan sa puno.
ADVERTISEMENT
Hindi pa rin matagpuan ang ulo ng biktima.

Ayon kay Police Lt. Col. Wildemar Tiu, hepe ng Tagum City Police, narinig umano ang kumosyon sa bahay ng mag-ama bago nangyari ang krimen.

Ayon sa kapitbahay na si Teresa Laurente, muntik pa silang habulin ng itak ng suspek matapos patayin ang ama nito.

"Napakatahimik ng ama. Ayaw niya nga ng gulo. Napakabait ng biktimang si Loloy. Madaling pakisamahan. Umuuwi pa nga siya sa bahay para dalhan ng ulam ang anak niya. Pero pinatay lang ng kanyang anak," ayon kay Laurente.

Isasailalim sa drug test ang suspek.
Isasailalim sa drug test ang suspek.
Batay rin sa imbestigasyon ng pulisya, may problema umano sa pag-iisip ang suspek.

Kakasuhan ng pulisya ng parricide ang suspek.