2 Chinese arestado sa pagdadala ng IMSI Catcher at Cell Site Simulator | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 Chinese arestado sa pagdadala ng IMSI Catcher at Cell Site Simulator

2 Chinese arestado sa pagdadala ng IMSI Catcher at Cell Site Simulator

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 10, 2025 10:54 AM PHT

Clipboard

IMSI Catcher. Courtesy: PAOCC 

MAYNILA (CORRECTED) — Arestado sa Baliuag, Bulacan nitong Miyerkules ng umaga ang dalawang Chinese sa pagdadala nila ng IMSI catcher at Cell Site Simulator sa kanilang mga sasakyan.

Ang IMSI — International Mobile Subscriber Identity — catcher ay ginagamit sa pagmamatyag sa komunikasyon ng mga mobile phone at madalas ginagamit sa mga text scam.

Una nang na-monitor ng otoridad ang dalawang Chinese suspect sa pag-aalok nila sa mga kapwa Chinese na maglagay ng IMSI catcher sa kanilang sasakyan kapalit ng P8,000.

Ang siste, dapat sundan ang instruction kung saan dadaan ang sasakyang may IMSI catcher.

ADVERTISEMENT

Pero dahil nakatanggap ng intel sa ginagawa ng dalawa, nagsagawa ng entrapment operation ang Armed Forces of the Philippines, Criminal Investigation and Detection Group at Presidential Anti-Organized Crime Commission na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawa.

"Nakakatakot ito. Ito yung sinasabi nating pwedeng gamitin sa pagkakalat ng fake news. Kasi since itong  machine na ito nag-mimic ng mga cell site. Napapasok nila ang mga cell phone numbers nung mga nasa paligid. Kaya niyang magpakawala ng mga fake news o  fake news or fake information," sabi ni Undersecretary Gilbert Cruz ng PAOCC.

"Halimbawa, gustong siraan ang isang kandidato. Sasabihin niya mamimigay siya ng ayuda sa isang barangay tapos ang mangayayari magpupuntahan ang mga tao. Hindi naman po darating itong isang kandidato dahil fake news o fake text ang natanggap nila, so masisira yung isang kandidato,” dagdag ni Cruz.

Kakasuhan ang dalawan ng paglabag ng ating immigration laws at maaaring dumaan sa deportation procedures. 

Samantala, patuloy ang babala ng mga otoridad sa publiko lalo’t papalapit na ang halalan.


IBA PANG ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.