Pulis sugatan nang saksakin ng nag-amok sa Parañaque | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis sugatan nang saksakin ng nag-amok sa Parañaque

Pulis sugatan nang saksakin ng nag-amok sa Parañaque

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 24, 2025 09:22 AM PHT

Clipboard

MAYNILA — Sugatan ang isang pulis matapos pagsasaksakin ng hinuhuling lalaki na nag-amok sa Barangay San Antonio, Parañaque City noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Elmer Accatan, Sub-station commander ng BF Homes Parañaque Sub-station, agad rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng tawag na may lalaking nag-aamok sa lugar.

“Nung dumating na yung mga pulis, may kinuha siyang basag na bote. So they tried to pacify the suspect pero ayaw talaga paawat hanggang sa tumakbo siya. Nagkaroon ng kaunting habulan,” aniya.

Habang tumatakas, dumaan ang lalaki sa bahay ng kaniyang kamag-anak at kumuha ng butcher knife.

ADVERTISEMENT

Naabutan siya ng mga pulis sa isang tulay, kung saan siya sinubukang lapitan ni Police SSgt Carlo Navarro sa pangambang may i-hostage na bata ang suspek.

“Sinubukan niyang dambahin si Navarro so napaatras, so medyo na-out balance. Natumba yung pulis natin. Dun siya sinundan ng damba kaso yung pulis natin, alerto, nasipa niya yung suspect na dadamba sa kanya. So na-out of balance din siya kaya yung tama sa kanya is di siya naka-full swing, tumama dito sa dibdib niya yung edge ng butcher knife,” pahayag ni PMaj. Accatan.

Bukod sa tama sa dibdib, nagtamo rin ng sugat sa ulo ang pulis, na agad dinala sa ospital.

Sugatan si Police SSgt Carlo Navarro nang subukang arestuhin ang isang lalaki na nag-amok sa Parañaque City noong Mayo 23, 2025. Courtesy: Parañaque City Police Station

Sa tulong ng barangay, naaresto ang suspek na nagtamo ng sugat sa binti at ulo sa pagkakadapa.

Napag-alamang gumagamit ng ilegal na droga ang lalaki, at dati nang nasangkot sa mga kasong murder, illegal gambling, at alarms and scandal.

ADVERTISEMENT

Humingi ng tawad ang suspek sa nasaktang pulis at inamin na gumagamit siya ng ilegal na droga.

“Wala po ako sa tamang pag-iisip eh… nagsisisi na po ako sa ginawa ko… Sir, humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa ko sa inyo. Nagawa ko lang po yun kasi problemado ako… problema lang po sa pamilya, stress,” sabi niya.

Muling kinulong sa Parañaque Police Station ang suspek na posibleng maharap sa patong-patong na kasong direct assault, alarms and scandals, illegal possession of bladed weapon, at frustrated murder.

Samantala, nakalabas na sa ospital si Police Ssgt Navarro, na nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Southern Police District bilang pagkilala sa kanyang sakripisyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.