Babae sa Taguig nahulihan ng higit P200K ng hinihinalang shabu | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae sa Taguig nahulihan ng higit P200K ng hinihinalang shabu

Babae sa Taguig nahulihan ng higit P200K ng hinihinalang shabu

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA — Timbog ang isang 45-anyos na babae matapos mahulihan ng nasa higit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Taguig City Police noong Miyerkules ng gabi, May 14.

Nangyari ang pag-aresto sa kaahabaan ng M.L. Quezon Street sa Barangay Bagumbayan sa Taguig.

Kwento ni Police Capt. Jowel Golimlim, assistant chief ng Public Information Office ng Taguig City Police, naglunsad sila ng operation nang may confidential informant na nag-report ng pagbebenta ng droga sa lugar.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung dati nang may naging kaso ang suspek.

ADVERTISEMENT

 “Ang ating suspek po ay umamin sa nakumpiska dahil ang ating suspek po ay pamilyado po at yung ginagamit din po na kanyang kinikita ay malaking tulong din sa pang araw-araw ng kanilang pamilya,” ayon kay Golimlim.

Kasalukuyang naka-ditene sa custodial facility unit ng Taguig City Police Station ang suspek.

Muli namang nagbigay ng paalala ang pulisya na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

“Kung sa ating lugar ay may kakilala tayo o may nalalaman tayo tungkol sa mga ganitong ilegal na gawain ay agad nating ireport sa ating pinakamalapit na kapulisan upang mahuli po natin at maiwasan po ang paglaganap po ng iligal na droga sa ating komunidad,” dagdag ni Golimlim.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.