Babae ginahasa ng lalaking hiningan niya ng tulong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae ginahasa ng lalaking hiningan niya ng tulong

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Imbes na tulungan, ginahasa umano ng isang lalaki ang live-in partner ng kanyang kaibigan matapos na humingi ito ng tulong sa kanya para hanapin ang kaibigang tatlong araw nang hindi umuuwi.

Arestado ang isang 32-anyos na lalaki na itinuturing na Most Wanted Person sa CALABARZON dahil sa kasong rape nitong Miyerkules ng gabi, May 14, 2025, sa Cainta, Rizal.

Ayon sa Cainta PNP, nangyari ang panghahalay ng akusado sa 21-anyos na babaeng biktima noong Disyembre 2022.

Sinamantala umano ng lalaki ang pagkakataon matapos humingi ng tulong ang biktima para hanapin ang kanyang live-in partner.

"Nilapitan ng ating biktima ang ating akusado dahil tatlong araw nang hindi umuuwi 'yung kanyang live-in partner na kaibigan ng ating akusado. Pinapunta ng akusado 'yung biktima sa kanyang tinitirhan, at sa pag-aakala naman po na talagang tutulungan s’ya, pumunta s’ya. Doon po ginawang ang panghahalay. Base po sa salaysay mayroong penetration sa ating biktima," sabi ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Lim, hepe ng Cainta Municipal Police Station.

Nagbanta pa umano ang lalaki sa biktima kaya hindi na siya nakapalag sa umano'y panghahalay.

"Dahil dadalawa lang sila, nadala po ang ating biktima sa pananakot ng akusado," sabi pa ni PLtCol. Lim.

May 7, 2025 nang ilabas ng Antipolo Regional Trial Court Branch 141 ang warrant of arrest laban sa akusado at makalipas ang isang linggo ay natunton siya ng tracker team ng Cainta PNP sa Barangay Sto. Domingo.

Depensa ng akusado, ginusto ng biktima ang nangyaring pagtatalik.
Depensa ng akusado, ginusto ng biktima ang nangyaring pagtatalik.
ADVERTISEMENT
"Pumayag naman po siya. Pumunta po siya. Siya naman po may gusto hindi naman po ako. Humihingi po ako ng tawad para makalabas na po ako, wala naman po akong kasalanan eh," sabi ng akusado.

Ayon pa sa PNP, dati nang nakulong ang lalaki dahil sa ilegal na droga at pagsusugal.

Nasa kustodiya na siya ng Cainta Municipal Police Station at nahaharap sa kasong rape na wala namang inirekomendang piyansa.