Lalaking nagbanta umanong papatayin at ikakalat ang malalaswang video ng dating nobya, arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking nagbanta umanong papatayin at ikakalat ang malalaswang video ng dating nobya, arestado
MAYNILA — Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na nagbanta umanong papatayin at ikakalat ang malalaswang larawan at video ng dating karelasyon sa Marikina City.

Ayon sa biktima na si alyas “Cel”, nagsimula ang pananakot noong tumigil na siya sa pakikipag-usap sa lalaki.

“Binantaan niya ako na papatayin dahil nga ilang araw na kaming hindi nag-uusap, hindi na rin ako nagpaparamdam sa kanya,” sabi ni Cel.

Gumawa pa umano ng group chat ang suspek at isinama doon ang kanyang mga kamag-anak kung saan pinagse-send ang mga video.

“Syempre po ‘yung ibang kamag-anak ko, papatulan siya so mas lalo rin siyang nati-trigger na ipakalat ‘yung mga pictures at videos,” kwento ni Cel.

Nagkasa ng entrapment operation ang NBI-Organized and Transnational Crimes Division at inaresto ang suspek sa isang convenience store na pinagtatrabahuhan niya.

Nahulihan din umano siya ng ilegal na droga.

Aminado naman ang suspek sa mga paratang at humingi ng tawad sa dating nobya.

“Trauma talaga kasi hindi lang din sa akin, sa mga kamag-anak ko. Makulong siya at sana hindi na rin talaga siya makapambiktima ng iba pang babae na tulad ko,” sabi ng biktima.

Sinampahan ng mga reklamo ang suspek na may kaugnayan sa sextortion at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT