3 illegal recruiter na kasama sa mga naiuwi mula Myanmar, arestado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 illegal recruiter na kasama sa mga naiuwi mula Myanmar, arestado

3 illegal recruiter na kasama sa mga naiuwi mula Myanmar, arestado

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang tatlong hinihinalang illegal recruiter na kasama sa sampung Pinoy na napabalik ng bansa mula Myanmar nitong Miyerkules.

Base sa imbestigasyon ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID), inalok ng tatlong suspek ang pitong biktima na magtrabaho bilang call center agent sa Thailand.

Na-recruit sila sa social media at pinangakuan ng sahod na $800 (P44,995) hanggang $1,200 (P67,493).

“Huwag daw mag-alala dahil legal ito. Pero ang nangyari, ‘yung lima, pinagamit po ng mga fake documents, mga certificate of employment na fake. ‘Yung dalawa is OFW na magtatrabaho sa Jordan,” sabi ni Marvin Villardo, executive officer ng NBI-IAID.

ADVERTISEMENT

Pagdating sa Thailand, dinala ang mga biktima sa Myanmar at sapilitang pinagtrabaho sa isang scam hub.

“Nagulat na lang sila na ganun ang pinagagawa sa kanila and hindi sila nasusuwelduhan,” sabi ni Villardo.

“Nakakaranas sila ng torture or punishment ‘pag hindi sila nakapang-scam ng foreigner. Na-experience nila na mag-squat, hampasin, ikulong kung wala silang mabiktima,” dagdag niya.

Higit apat na buwan silang naging scammer bago nakahingi ng tulong sa mga awtoridad.

Nabisto rin nila na ang tatlong suspek na kasama nilang nagtatrabaho ay mismong mga-nag recruit sa kanila. 

ADVERTISEMENT

Hindi anila agad nakilala ang mga ito dahil alyas lang at dummy accounts ang gamit ng mga suspek sa pakikipag-usap noon sa kanila.

“Binuking nung mga translator ng Chinese boss na sila ‘yung tatlo na mismo nag-recruit doon sa pito,” sabi ni Villardo.

Napag-alaman pa na marami nang na-recruit na pumasok sa scam hub ang tatlong suspek.

 Nahaharap sila sa mga reklamong large scale illegal recruitment at qualified human trafficking.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.