Lalaki, arestado sa kasong panggagahasa sa kanyang stepdaughter sa Muntinlupa City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, arestado sa kasong panggagahasa sa kanyang stepdaughter sa Muntinlupa City

Trigger warning: May banggit ng panggagahasa

Naaresto ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District (SPD) ang isang 41-anyos na lalaking itinuturing na Most Wanted Person dahil sa kasong panggagahasa.

Naganap ang pag-aresto noong gabi ng Miyerkules, April 23, sa San Roque, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Ayon kay PLt. Margaret Panaga, Officer-in-Charge ng SPD Public Information Office (PIO), ang biktima ay mismong stepdaughter ng suspek.

“Tuwing wala po ang ina ng biktima, doon po niya isinasagawa ang karumaldumal na krimen laban sa ating biktima,” pahayag ni PLt. Panaga.

Batay sa ulat ng pulisya, dalawang beses nangyari ang insidente ng panggagahasa—noong September 10 at 11, 2024.

Dagdag pa ni PLt. Panaga, ang reklamo ay isinampa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa biktima, na ngayon ay nasa kanilang pangangalaga.

Ang akusado ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility unit ng Muntinlupa Police Station at nahaharap sa kasong two counts of rape, na may walang inirerekomendang piyansa.

Nagpaalala naman ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na panatilihing bukas ang komunikasyon sa kanilang mga anak at maging mapagmatyag sa anumang pagbabago sa kilos ng mga ito.

“Kasi maaaring natatakot silang magsumbong. Kaya’t mahalagang dinggin natin nang mabuti ang kanilang mga hinaing,” paliwanag ni PLt. Panaga.

“Kung may mga insidente o impormasyon, agad itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na police station,” dagdag pa niya.