'Magbe-beshie kuno': Lalaki arestado sa tangkang pagpuslit ng 2 babae pa-Cambodia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Magbe-beshie kuno': Lalaki arestado sa tangkang pagpuslit ng 2 babae pa-Cambodia

'Magbe-beshie kuno': Lalaki arestado sa tangkang pagpuslit ng 2 babae pa-Cambodia

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isang lalaki na nagtangkang ilegal na ibiyahe ang dalawang babaeng biktima papuntang Cambodia para magtrabaho umano sa scam hub. Base sa ulat ng NBI, nagpanggap na magkakaibigan ang tatlo at magbabakasyon lang nitong Semana Santa. Retraro mula sa NBI-IAID via Karen de Guzman, ABS-CBN NewsArestado ang isang lalaki na nagtangkang ilegal na ibiyahe ang dalawang babaeng biktima papuntang Cambodia para magtrabaho umano sa scam hub. Base sa ulat ng NBI, nagpanggap na magkakaibigan ang tatlo at magbabakasyon lang nitong Semana Santa. Retraro mula sa NBI-IAID via Karen de Guzman, ABS-CBN News


MANILA — Arestado ang isang lalaki na nagtangka umanong ilegal na ibiyahe ang dalawang babae papuntang Cambodia para pagtrabahuin sa hinihinalang scam hub.

Batay sa ulat ng NBI-International Airport Investigation Division (NBI-IAID), nagpanggap na magkakaibigan ang tatlo at magbabakasyon lamang sa Hong Kong nitong Semana Santa.

“‘Yun po ang instruction sa kanila na magkakaibigan, magbe-beshie. Kaya po nabuking ng immigration officer na hindi totoo ‘yung pinalalabas nilang turista,” sabi ni Marvin Villardo ng NBI-IAIAD.

Nagpakita pa ng ilang dokumento ang grupo ng umano’y trabaho nila sa Pilipinas pero napansin ng mga awtoridad ang mga hindi tugmang pahayag, dahilan para isailalim sila sa masusing imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

Inamin nila kalaunan na patungo talaga sila ng Cambodia matapos ma-recruit para sa trabahong encoder at call center agent. 

“Once na lumapag ng Hong Kong, iiwan na doon and then may magsusundong papunta ng Cambodia po para magtrabaho as scammer,” sabi ni Villarda.

Ayon sa mga awtoridad, ito ay malinaw na panibagong kaso ng human trafficking, kung saan ang mga biktima ay nililinlang at kalauna’y pinipilit magtrabaho sa mga scam hub sa ibang bansa.

Sa datos ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), ito na ang pang 13 nilang huli ngayong taon.

“Sa mga kababayan natin, huwag mag-apply through online. ‘Yung mga offer na malalaking sweldo, lalo na ‘yung pupuntahan niyo na Cambodia, Laos, Thailand. Napaka-delikado. Marami pong nabibiktima,” paalala ni Villardo.

Sinampahan ng mga reklamong illegal recruitment at paglabag sa Anti-Human Trafficking Law ang suspek.

KAUGNAY NA VIDEO



 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.