22-anyos timbog sa pagbebenta ng pekeng medical certificate | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
22-anyos timbog sa pagbebenta ng pekeng medical certificate

MAYNILA — Inaresto ng pulisya ang isang 22-anyos na lalaki dahil umano sa pagbebenta ng pekeng medical certificate sa Pasay City at paggamit sa pagkakakilanlan ng isang doktor.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binebenta ni alyas “Jay” ang pekeng medical certificates sa social media sa halagang P200. Siya rin ang nagde-deliver nito kapag meet-up ang transaksyon, ayon kay PLt. Wallen Arancillo, tagapagsalita ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

Napag-alaman ng pulisya na kasintahan ng suspek ang pamangkin ng doktor na nakalagay sa mga pekeng med certificate.

“Online nag-iissue ng medical certificate... Sealed ito at signed niya rin ang mga dokumentong ito... Itong mga binibigyan niya o ini-issuehan niya ng medical certificate ay hindi talagang nakapunta doon sa mismong clinic para mag-undergo ng laboratory or any examination,” ani Arancillo.

Ayon pa sa imbesitgasyon, nangangailangan umano ng pera ang suspek dahil wala siyang trabaho.

Tinitingnan naman ng pulisya ang anggulong “inside job” lalo na’t kilala ng suspek ang doktor na biktima.

“Inaalam pa natin kung paano siya nagkaroon ng medical certificate. Yung mismong pangalan ng mga biktima niya ay handwritten so sinusulat lang niya ang pangalan... Nakita din natin na connected sa personnel o staff ng doktor ang suspek,” aniya.

Hinimok ng pulisya ang publiko pati na rin ang mga doktor na maging mapanuri.

“Tingnan natin ang personnel natin para maiwasan natin mabiktima ng ganitong klaseng scam,” aniya.

Nasa kustodiya na ng Pasay police ang suspek.

Mahaharap siya sa mga reklamong may paglabag sa Revised Penal Code o False Medical Certificates and False Certificates of Merits or Service, Cybercrime Prevention Act, at Computer-related Identity Theft.