Higit 300 pamilya nasunugan sa Port Area, Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 300 pamilya nasunugan sa Port Area, Maynila
Higit 300 pamilya o 200 kabahayan ang apektado ng sumiklab na sunog sa Barangay 650, Port Area, Manila pasado alas-12 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Bureau of Fire Protection - Manila, dalawampung minuto lang ang lumipas o dakong 12:24 a.m. ay agad na itinaas sa Task Force Alpha ang sunog.

Higit 25 fire trucks mula BFP ang rumesponde at mahigit 100 fire volunteers ang tumulong sa pag-apula ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa mga light materials ang magkakadikit na bahay.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa mga light materials ang magkakadikit na bahay.
ADVERTISEMENT
Naging hamon din sa mga bumbero ang masikip na eskinita. Kaya bukod sa hirap na makapasok ang mga fire trucks, naging mabagal ang suplay ng tubig.

"This is considered fire-prone area po kasi gawa po sa light materials halos lahat ng kabahayan po rito. Ang naging struggle namin, sobrang daming tao. At the same time, iyong mga allies natin, iyong daanan ng hose is sobrang sisikip po. And iyong supply ng ating tubig medyo kinukulang dahil malayo po ang location ng ating fire hydrant," ani Fire Senior Inspector Leslie Ramos, Station 4 Commander ng Manila Fire District.

Dagdag pa ng BFP-Manila, nagsimula umano ang sunog sa ikaapat na palapag ng isang bahay.

Ligtas ang pamilya ni Deedang Abdurahman pero natupok ang kanilang bahay at mga gamit.

Kuwento niya, katatapos niya lang magtinda sa mga oras na nangyari ang sunog.
Kuwento niya, katatapos niya lang magtinda sa mga oras na nangyari ang sunog.
ADVERTISEMENT
"Wala kaming nakuhang gamit. Wala talaga. Ito lang mga suot namin. Wala na kaming ibang nakuha. Problema ko nga iyong birth certificates ng mga anak ko, nandoon hindi ko nakuha," saad ni Deedang Abdurahman, isa sa mga daan-daang nasunugan.

Hindi pa tukoy kung ano ang naging mitsa ng sunog at halaga ng pinsalang iniwan nito.

Idineklara ang Fire Under Control bago mag alas-6 ng umaga.

Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon ng BFP-Manila kung may naitalang sugatan o nasawi sa insidente.