Lalaki arestado matapos pukpukin ng tubo ang kainuman sa Valenzuela
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado matapos pukpukin ng tubo ang kainuman sa Valenzuela
MAYNILA — Inaresto ang 47-anyos na taxi driver sa Barangay Karuhatan, Valenzuela City noong Martes matapos niyang pukpukin ng tubo ang ulo ng kanyang kababata.

Ayon kay PCol. Nixon Cayaban, Station Commander ng Valenzuela Police, nangyari ang insidente noong April 10, 2024 sa Purok 4, Valenzuela City.

“Nagkaron po sila ng salo-salo… habang nag-iinuman, nagkapikunan at syempre etong accused, nagkaroon ng pagkakataon na pinalo niya yung ulo ng ating biktima using steel pipe,” sabi ni Cayaban.

Aniya, hindi kritikal ang kalagayan ng biktima matapos ang pananakit kaya nagawa niyang magsumbong sa pulisya.
Aniya, hindi kritikal ang kalagayan ng biktima matapos ang pananakit kaya nagawa niyang magsumbong sa pulisya.
ADVERTISEMENT
Inilabas ang warrant of arrest noong July 19, 2024, pero ayon sa pulisya, nagtago ang suspek nang halos isang taon.

Hindi ikinaila ng suspek ang pananakit, pero aniya'y dinepensahan lang niya ang sarili matapos umanong tangkaing saksakin ng biktima.

“Inabangan ko po sa dadaanan niya, pinalo ko po ng tubo… kasi pinagbantaan niya po yung buhay ko,” aniya.

“Nagtamang hinala siya po… Kinukursunada ko raw ang asawa niya na wala namang katotohanan.”

Nasa kustodiya ng Valenzuela police ang akusado na kinasuhan ng frustrated murder.