Baseco beach sa Maynila, bantay-sarado ngayong Semana Santa
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baseco beach sa Maynila, bantay-sarado ngayong Semana Santa
MAYNILA — Bantay-sarado ng mga awtoridad ang Baseco Beach sa Maynila ngayong Semana Santa matapos dagsain ng mga tao noong isang linggo.

Sinita ng mga tauhan ng barangay at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga nagtangkang lumangoy sa dagat nitong Huwebes Santo.

Ayon sa barangay, matagal nang ipinagbabawal ang maligo sa dagat dahil hindi pa rin ligtas ang tubig.

“2019 pa po. Kasi mataas pa po ‘yung coliform ng tubig dito sa Aplaya,” sabi ni Nerissa Gallo, barangay coordinator.
“2019 pa po. Kasi mataas pa po ‘yung coliform ng tubig dito sa Aplaya,” sabi ni Nerissa Gallo, barangay coordinator.
ADVERTISEMENT
Kitang nagkalat pa ang mga basura sa baybayin ng dagat tulad ng mga plastik, karton, at styrofoam.

Binakuran na rin nila ang bahagi ng Baseco Beach para hindi na mapasukan ng mga pasaway na residente.

“Minsan po kasi talagang hindi mapigilan ‘yung tao kasi kapag pinagbawalan niyo sila, hindi kami pinakikinggan,” sabi ni Gallo.

Dismayado naman ang ilang dumayo pa sa lugar para lang makapagtampisaw sa dagat.

Kwento ng senior citizen na si Violita Andaya ng Taytay, Rizal, plano ng kanyang mga apo na makapaglangoy sa dagat.
Kwento ng senior citizen na si Violita Andaya ng Taytay, Rizal, plano ng kanyang mga apo na makapaglangoy sa dagat.
ADVERTISEMENT
“Pumunta ako dito sa anak ko para maligo, ang init e. Kaso pinagbawalan kami. Dito na lang sa batsya [ang mga bata], sabi ni Andaya.

Ganito rin ang sentimiyento ni Alma Nasa dahil nakagawian na nilang maligo sa dagat at makakatipid sana ngayong Semana Santa.

“Nung bawal lang noong COVID. E hindi naman na COVID. Napakainit dapat nandun kami sa dagat lumalangoy,” hinaing niya.

Panawagan naman ng barangay na sundin ang patakaran para masigurong ligtas at makaiwas sa sakit ang mga residente.