Tatlong lalaki kalaboso sa pagsusugal sa Pasay City; baril at hinininalang shabu kumpiskado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tatlong lalaki kalaboso sa pagsusugal sa Pasay City; baril at hinininalang shabu kumpiskado

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

Tatlong lalaki kalaboso sa pagsusugal sa Pasay City; baril at hinininalang shabu kumpiskado
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nadakip ang tatlong lalaki habang nagsasagawa ng isang routine patrol operation ang Villamor Sub-station 9, Pasay City Police sa Daop Palad, Barangay 201 sa Pasay City, madaling araw noong Miyerkules, ika-9 ng Abril, 2025.

Ayon kay Police Major Geo Colibao, hepe ng Villamor Sub-station 9, may isang concerned citizen na nagbigay alam sa pulisya ng ilegal na gawain ng mga suspek at agad na nirespondehan ang lugar kung saan nadakip ang 22-anyos at dalawa pang lalaki na parehong 40-anyos.
 
Sa isinagawang body search, nakuha mula sa 22-anyos na suspek ang isang kalibre .38 baril na may lamang bala.
 
Nakuha naman sa dalawa pang suspek ang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na nasa 0.28 grams.
 
“Nung natagpuan po sila ng ating responding officer, sila po ay nagka-cara cruz. Upon verification po. Siyempre, sinearch po sila ng ating kapulisan at nakuha po sa kanilang pag-iingat 'yung dalawang sachet ng pinaghihinala ang ilegal na droga. At siyempre, nakuha din po sa posesyon [nung 22-anyos na suspect] 'yung caliber .38, may lulan pa po ng bala or bullet,” kwento ni PMaj. Colibao.
 
Na-recover din ang tatlong pisong ginamit sa paglaro ng cara y cruz at isang 500 pisong ginamit pantaya.
 
Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang may dati na ring kasong may kaugnay sa ilegal na droga ang dalawang pang suspek.
 
Dagdag ni PMaj. Colibao, talamak ang mga ulat sa kanila na may mga ilegal na gawain sa lugar.
 
“May nag-aabutan ng droga, may mga lasing palagi. So kaya madalas po, 'yan po talaga 'yung area na 'yan, pinapatrol po ng ating kapulisan,” sabi niya.
 
Tumangging magbigay ng pahayag ang 22-anyos na suspek habang ang dalawa pang suspek ay umaming pagmamay-ari nila ang hinihinalang shabu na nakuha sa kanila.
 
“Ginagamit po namin,” ayon sa isang 40-anyos na suspek.
 
Kasalukuyang naka-detene sa Kalayaan Outpost and Temporary Detention Facility sa Barangay 201, Pasay City ang mga suspek.
 
Nahaharap sila sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act kaugnay sa Omnibus Election Code, Illegal Gambling-Cara y Cruz, at Comprehensive Dangerous Act of 2002.
 
Sinisiguro ng pulisya na patuloy silang magpapatupad ng batas lalo na ngayong nalalapit ang halalan.
 
“Patuloy po namin gagampanan ang aming trabaho. Kaya sa mga would-be criminal, humanda kayo at andyan lang kami sa palipaligid,” bilin ni PMaj. Colibao.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.