Lalaki inaresto sa kasong panggagahasa umano sa anak na babae | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki inaresto sa kasong panggagahasa umano sa anak na babae

Lalaki inaresto sa kasong panggagahasa umano sa anak na babae

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2025 05:43 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Matapos ang halos 3 taong pagtatago, naaresto ng pulisya sa Caloocan City nitong Martes ng umaga ang lalaking wanted sa kasong panggagahasa umano sa kaniyang stepdaughter.

Inaresto ng mga operatiba ng Northern Police District - Special Operations Unit (NPD-SOU) ang 37 anyos na lalaki sa Bagong Silang, Barangay 176.

Nangyari ang umano'y panggagahasa noong 2017, kung kailan 14 anyos pa lamang ang biktima, ani P/Lt. Col. Alain Licdan, hepe ng NPD SOU. 

Dagdag niya, dalawang beses umano nangyari ang pang-aabuso.

ADVERTISEMENT

May P150,000 patong sa ulo ang suspek dahil sa pagtatago at kabilang rin sa most wanted person ng Department of the Interior and Local Government.

"Mailap siya, akala niya siguro na hindi namin siya hinanap, so nung naitimbre ng confidential informant, nahuli na natin," ani Licdan.

Itinanggi ng suspek ang mga paratang at sinabing haharapin sa korte ang kaso.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa reklamong 2 counts of qualified rape at 1 count of attempted rape.

Walang piyansang itinalaga ang korte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.