Mga kabataan na nagnakaw ng bike na may halagang P100K, sapul sa CCTV | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kabataan na nagnakaw ng bike na may halagang P100K, sapul sa CCTV
MANILA — Nahuli ang tatlong menor de edad matapos nilang tangayin ang bisikleta na nagkakahalaga ng P100,000 sa isang parking lot sa Quezon City noong Huwebes, pasado alas 5 ng hapon.

Nakunan ng CCTV na umaaligid ang dalawang 16-anyos na lalaki sa bisikleta. Gamit ang bolt cutter, winasak nila ang cable lock ng bisikleta.

Sinakyan na ito ng lalaking naka-blue na t-shirt.

Sa isa pang kuha ng CCTV, paalis na sana ang lalaking naka-blue na t-shirt sakay ang bisikleta nang patigilan siya ng teller ng parking lot. Lumapit sa kanila ang kasamahan na naka-puting t-shirt.

Maya-maya pa, iniwan nila ang bisikleta at nagtangkang tumakas pero hinarang sila ng security guard.

“Akala ng mga bata motor lang yung kinukuhanan ng parking ticket… noong nilalabas na nung bata yung bike, hinahanapan siya ng parking ticket… wala siyang maibigay kaya na-hold siya,” sabi ni Police Lt.Col. Angelito de Juan, Project 4 Police Station commander

Bukod sa dalawang 16-anyos, nahuli rin ang 15-anyos na nagsilbing tagamanman ng grupo.

“Tinanong kung kaninong bike yung dala nila. Sinasabi naman nila na sa kanila ‘yun. So nagduda yung parking ticket kaya tumawag ng guard,” aniya.

Pinatawag umano ang call center agent na may-ari ng bike at naibalik ito.
Pinatawag umano ang call center agent na may-ari ng bike at naibalik ito.
ADVERTISEMENT
Ayon sa pulisya, dumayo pa mula Quiapo ang mga menor de edad. Dinala sila sa pasilidad ng Department of Social Welfare and Development para mapangaralan at mabigyan ng kaukulang social intervention.

Dahil sa madalas na nakawan sa naturang parking lot, nagpasya ang pamunuan na gawing mandatory ang parking ticket para sa mga bisikleta, ayon sa pulisya.

Muli nilang pinaalalahanan ang mga siklista na gumamit ng matibay na kadena sa bisikleta at mag-park sa ligtas na lugar para maiwasan na manakawan.