FACT CHECK: Hindi pa nakababalik ng bansa si Rodrigo Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi pa nakababalik ng bansa si Rodrigo Duterte

Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Mar 21, 2025 08:07 PM PHT

Taliwas sa mga kumakalat na posts, hindi pa makauuwi o nakababalik ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kasalukuyan siyang nasa detention center ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kinahaharap na kasong crimes against humanity.

Inaresto si Duterte noong Marso 11, 2025 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng ICC kaugnay ng mga umano’y patayang naganap sa ilalim ng kanyang war on drugs mula 2011 hanggang 2019.

Tatlong lumang news reports at dalawang lumang bidyo ang ginamit ng mga post para palabasing makauuwi o nakauwi na sa Pilipinas si Duterte.

Sa tatlong posts sa TikTok at Facebook, ginamit ang balita ng One PH noong Hulyo 1, 2022 tungkol sa pagbalik ni Duterte sa home city nitong Davao pagkatapos ng kanyang termino bilang pangulo ng Pilipinas. Nilapatan ang reuploaded na bidyo ng mga mapanlinlang na caption gaya ng “DUTERTE, NAKAUWI NA SA DAVAO CITY” at “TATAY DIGONG NAKAUWE NA GALING NETHERLAND.”

Kinuha naman ng isang post ang lumang coverage ng GMA News noong Hunyo 30, 2022 tungkol sa homecoming concert sa Davao City para kay Duterte matapos magsilbing pangulo ng bansa. Nilagyan ito ng caption na “Rodrigo roa duterte nakauwi na ngayung araw galing Netherlands.”

Mayroon ding mga post na gumamit ng lumang report ng Rappler noong Hulyo 18, 2023 para palabasing ibinasura ang kaso niya at pinalaya na siya ng ICC, dahilan para umano makauwi na siya ng bansa.

Pero hindi ang kaso ni Duterte ang ibinasura ng ICC. Ang ibinasura ng Korte noong 2023 ay ang apela ng Pilipinas na nagpapahinto sa imbestigasyon sa kanyang war on drugs dahil hindi na bahagi ang Pilipinas ng Rome Statute na nagtatag sa ICC. Pero ayon sa desisyon ng ICC Appeals Chamber, mayroon pa ring hurisdiksyon ang ICC sa mga diumano’y kasong pagpatay na naganap mula Nobyembre 1, 2011 hanggang Marso 16, 2019, mga panahong bahagi pa ang bansa ng Rome Statute.

Dati na itong na-fact check ng ABS-CBN Fact Check.

Gumamit din ang ibang mga post ng mga lumang bidyo mula sa mga pagtitipon na dinaluhan ni Duterte bago siya maaresto.

Ang isang bidyo ay galing sa isang post noong Marso 1, 2025, isang araw matapos ang “Hugpong Youth Assembly” kung saan dumalo si Duterte suot ang kaparehong damit na makikita sa bidyo. Pinatungan ang bidyo ng tekstong “Welcome back po Tay we love you.”

Ang isa namang bidyo ay galing sa isang post tungkol sa campaign sortie ng PDP Laban sa Hong Kong noong Marso 9, 2025, dalawang araw bago maaresto si Duterte pagdating niya sa Pilipinas. Nilagyan din ito ng tekstong “Duterte is back in the Philippines.”

INTERIM RELEASE
Maaaring makabalik si Duterte sa bansa kung aaprubahan ng ICC ang interim release na hihilingin niya sa Korte. Sa ngayon, Marso 21, wala pang napababalitang humiling ang kampo ni Duterte ng interim release sa ICC.

Sa isang panayam sa ANC kay Atty. Ralph Sarmiento, isang international law expert, nabanggit niya ang dalawang posibleng dahilan para mapagbigyan ang isang request for interim release ng isang akusado.

Isa sa dahilang binanggit ni Sarmiento ay kung mapatunayang nagkaroon ng “undue delay” sa pagsasagawa ng court proceedings at walang kinalaman ang akusado sa pagka-delay. Isa pang dahilan ang pagkakaroon ng “very serious violation of human rights” gaya ng torture at inhumane treatment noong inaresto ang akusado.

Pero ayon kay Sarmiento, bihirang naaaprubahan ang mga request para sa interim release base sa mga dating desisyon ng ICC.

“Rarely would the court actually grant interim release pending appeal. Normally it only happens in accomplices lang,” sabi ni Sarmiento.

Nakatakda ang confirmation of charges hearing para sa kaso ni Duterte sa Setyembre 23, 2025. Dito maglalabas ng desisyon ang Pre-Trial Chamber I kung sapat at hinog ba ang ebidensya para magpatuloy ang kaso ni Duterte sa trial stage.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Rodrigo Duterte
International Criminal Court
ICC
crimes against humanity
war on drugs
interim release
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT