Truck bumangga sa 2 sasakyan sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Truck bumangga sa 2 sasakyan sa QC
Truck bumangga sa 2 sasakyan sa QC
Isang mini truck ang bumangga sa dalawang sasakayan sa may Kamias Road, Brgy. East Kamias sa Quezon City Sabado ng umaga.

Sa CCTV footage mula sa barangay, makikita ang isang puting sasakyan na nakahinto sa may Kasing-kasing Street at palabas ng Kamias Road nang biglang sumulpot ang isang blue na mini truck at bumangga dito.

Ayon sa Quezon City Traffic Sector 3, bago mabangga ang puting sasakyan na minamaneho ng isang 74 anyos na lalaki, ay nabangga muna nito ang isa pang grey na sasakyan na palabas naman galing sa gasolinahan.

"Pagkasalpok niya sa unang sasakyan dirediretso po siya sumalpok po siya sa pangalawang sasakyan," ayon kay Pcapt. Nap Cabigon, Sector Commander ng Quezon City Traffic Sector 3.

Delivery driver ng isang telco company ang driver ng truck at galing umano sa magdamag na trabaho.

"Ayon sa driver medyo pagod lang daw siya at puyat," dagdag ni Cabbigon.

Tumangging magpaunlak ng panayam ang driver ng truck.

Ligtas naman ang mga driver ng ibang sasakyan pero isinugod sila sa ospital dahil sa mga natamong sugat sa katawan.

Kakasuhan ang driver ng truck ng damage to property at physical injuries.