Lalaki patay matapos ma-hit and run ng SUV, magulungan ng 16-wheeler | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay matapos ma-hit and run ng SUV, magulungan ng 16-wheeler

Lalaki patay matapos ma-hit and run ng SUV, magulungan ng 16-wheeler

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang 35-anyos na construction worker matapos ma-hit and run ng isang SUV at magulungan ng 16-wheeler na trak sa Antipolo City, Rizal nitong Martes ng madaling araw, February 11, 2025.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Antipolo City Component Police Station tumatawid ang biktima sa provincial road sa Barangay San Jose,  nang mabangga ng humaharurot na puting SUV. Napunta sa kabilang lane ang biktima kung saan siya nagulungan nang paparating na 16-wheeler na trak.

"Almost 5 a.m. ng madaling araw 'yung lalaking biktima natin na may edad na 35 years old ay tumawid upang bumili lang sana ng pandesal. However sa pagtawid niya nasagasaan siya ng trak.'

"Voluntary naman nag-surrender 'yung truck driver. Sa course of investigation natin, nakakuha tayo ng CCTV kung saan napakalinaw na mayroon pa lang naunang nakabangga sa ating biktima. Siya muna ay nabundol bago nagulungan ng trak," sabi ni PLtCol. Ryan Manongdo, Antipolo CCPS Chief of Police.

ADVERTISEMENT

Dead on the spot ang biktima na magtamo ng malubhang pinsala sa ulo matapos na ilang beses na magulungan ng trak.

"Pagkarating ng investigators natin talagang no proof of life na obvious na roon sa visual pa lang. Nagkalat na 'yung iba't ibang parte ng.. pangit lang i-describe, makikita na roon gaano ka violent 'yung nangyari sa biktima natin," sabi ni PLtCol. Manongdo.

Agad na sumuko sa awtoridad ang drayber ng trak na pansamantalang nadetine sa Antipolo City CPS.

Pinalaya rin siya makaraang makipag-areglo ang may-ari ng trak sa pamilya ng biktima at sagutin ang gastusin sa burol ng nasawi. Nakita kasi sa CCTV na wala nang paraan pa para maiwasan ng drayber ng trak ang disgrasya.

"Ang tawag natin diyan is 'yung doctrine of last clear chance. Ibig sabihin wala na siyang klaro na tiyansa para iiwas pa niya na mangyari 'yung insidente. May tinatawag tayo na blind spot na kung saan pag ikaw ay driver mayroong anggulo na hindi ka makikita. 'Yun ang nangyari po," sabi ni PLtCol. Manongdo.

Ayon kay Jessica Villerva na nasa lugar nang mangyari ang insidente, naghihintay sa tabing kalsada ang kasamahan ng biktima. Mabilis din ang patakbo ng SUV na nakabangga sa biktima.

"May sasakyan po sila dyan nasa gilid po, ngayon 'yung kasamahan niya nag-aantay lang po sa kaniya. Doon po siya sa kabila tumawid pero wala naman po gaanong sasakyan. Mabilis lang po 'yung takbo nung Innova na 'yon, nahagip siya tapos tumalsik na po siya, trak na po 'yung nakaano sa kaniya," sabi ni Villerva.

Labis ang hinagpis ng kinakasama ng biktima na si Lorena Lopez lalo na at naulila ang isang taong gulang nilang anak. Nagdadalang tao rin siya sa kanilang ikalawang supling.

"Ang sakit manganganak pa ako, paano na ang gastusin. Sana 'yung nakabangga sa asawa ko magpakita na," sabi ni Lopez.

Hustisya ang hiling ng mga kaanak ng biktima. Panawagan nila sa drayber ng puting SUV, sumuko na at panagutan ang kinasasangkutang insidente.

"Sa may-ari po ng Toyota Innova sana wag ka na po matakot na lumantad po para magkaroon naman po ng hustisya ang nangyari sa kapatid ko po. Biglaan din po 'yung nangyari kagabi kasama pa namin siya, ngayon naka-ataul na siya," sabi ni Teresa Dela Cruz, panganay na kapatid ng biktima.

Patuloy din ang panawagan ng PNP sa publiko na makipag-tulungan para madakip na ang drayber ng SUV na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.