Mag-asawang pulis kinasuhan ng murder sa pagpatay sa kapwa pulis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-asawang pulis kinasuhan ng murder sa pagpatay sa kapwa pulis

MAYNILA — Kapwa sinampahan ng reklamong murder ang mag-asawang pulis na sangkot sa karumal-dumal na pagpatay sa kapwa nila pulis sa loob ng headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, isinampa ng Taguig City police ang reklamo sa korte sa lungsod nitong weekend.

“There’s definitely murder in this case -- do’n sa pagpatay and then another is ‘yong mutilation and possibly ‘yong tangkang pagtago,” saad ni Fajardo.

Itinuturing ang babae na sangkot sa krimen dahil nasa lugar siya nang patayin at pagpuputulin ang katawan ng biktimang si Police Executive Master Sergeant Emmanuel De Asis ng Puerto Princesa Provincial Police Office.

Kasama rin ang babae nang dalhin ang mga putol-putol na katawan na nakasilid sa dalawang sako patungo sa ancestral home ng kanyang mister sa Baguio City.

“The husband instructed his wife to get an axe and she was present at the time of the killing at during the mutilation, accordingly,” ani Fajardo. “Medyo trauma[tized] [at] hindi makausap ‘yong babae [sa ngayon], meron na rin namang abogado, so ang nagsasalita lang is ‘yong lalaki.”

Sa pagsuko noong Disymebre 4, sinabi ng suspek sa pulisya na nahuli niya ang kanyang asawa at si De Asis na nagtatalik.

Inaalam pa kung may iba pang sakot sa krimen, kasunod ng pahayag ng anak ng biktima na gagawa ito ng paraan para matukoy ang nasa 10 hanggang 20 umano na sangkot sa pagpatay.

Pulis din ang anak ni De Asis na kasapi ng Special Action Force.

“May mga interventions naman tayong ginagawa,” ani Fajardo.

“Ang pakiusap natin…let the PNP handle the investigation. Kung meron siyang maitutulong, sinasabi niya na trained siya, tulungan niya na mabigyang hustisya, hindi niya puwedeng ilagay ang batas sa sarili niyang kamay.”

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT