FACT CHECK: Walang impeachment complaint laban kay Marcos | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang impeachment complaint laban kay Marcos

ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Dec 27, 2024 02:59 PM PHT

Hindi totoong naghain ng impeachment complaint si Bise Presidente Sara Duterte o sinuman laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Hindi rin totoong “inaprubahan” at “inaksyunan” na ito ng Korte Suprema.

Sa mga posts na kumakalat sa YouTube, Facebook, at Tiktok, sinasabing mayroong impeachment complaint na inihain laban kay Marcos na tinatawag nilang “Kuting Jr.” Hindi tinukoy kung sino ang naghain ng reklamo sa ilang post, habang sa iba naman ay sinasabing inihain ito ni Duterte.

Bukod pa rito, sinasabi ng ilang post na diumano’y inaprubahan na at sinimulan nang imbestigahan o pag-aralan ng Korte Suprema ang naturang reklamo na layong patalsikin si Marcos dahil sa “katiwalian,” “pang-aabuso ng kapangyarihan,” at “paglabag sa Konstitusyon.”

Dagdag pa sa ibang post, ibinunyag diumano ng ilang retiradong opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) ang mga “kahina-hinalang transaksyon at desisyon” at mga “iregularidad” ng administrasyong Marcos, at handa umano ang ilan sa mga ito na tumestigo.

Puno ng maling impormasyon ang mga post na ito.

Una, walang nakabinbing impeachment complaint na inihain sa Kamara laban kay Marcos. Wala ring naiulat sa media na naghain o maghahain si Duterte ng anumang impeachment complaint laban kay Marcos.

Pangalawa, malinaw na nakasaad sa Section 3, Article XI ng 1987 Philippine Constitution na ang House of Representatives lang ang tanging institusyon na pwedeng magpasimula ng impeachment — hindi ang Korte Suprema. Pwedeng manggaling ang complaint mula mismo sa mga kongresista o sa kahit sinong mamamayang may endorso ng isang miyembro ng Kamara.

Pangatlo, batay din sa Konstitusyon, ang Senado lang ang may tanging kapangyarihan na maglitis at magpasya sa lahat ng kaso ng impeachment — hindi ang Korte Suprema.

Pang-apat, walang basehan ang sinasabi sa posts na may mga retired PMA official na naiulat na “lumutang” para tumestigo laban kay Marcos. Walang ganitong balita mula sa mga pangunahing media outlet.

IMPEACHMENT COMPLAINTS VS DUTERTE
Ipinakalat ang mga maling impormasyon sa gitna ng mga impeachment complaint na inihain sa Kamara laban kay Duterte.

Noong Disyembre 2, inihain ng civil society groups at mga pamilya ng drug war victims ang unang impeachment complaint na inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Percival Cendana. Ang ginamit na batayan sa reklamo ay “culpable violations of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes” na ginawa diumano ni Duterte.

Betrayal of public trust naman ang nag-iisang basehan ng pangalawang impeachment complaint na inihain ng grupong Bagong Alyansang Makabayan na kinabibilangan ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares. Inihain ito noong Disyembre 4 at inendorso sa Kamara ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc.

Isinumite naman ng religious groups at mga abogado ang ikatlong impeachment complaint laban sa bise presidente noong Disyembre 19. Ginamit na basehan sa reklamo ang “culpable violation of the Constitution… betrayal of public trust, plunder, malversation, technical malversation, [at] bribery.”

Ang mga impeachment complaint ay may kaugnayan sa umano’y anomalya at iregularidad sa paggamit ng confidential funds ng mga opisina ni Duterte gaya ng Office of the Vice President at Department of Education, kung saan siya naging kalihim.—with research and reporting from Eliseo Ruel Rioja and Rowena Caronan

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Impeachment
President Ferdinand Marcos Jr.
PBBM
Sara Duterte
Confidential Funds
Supreme Court
House of Representatives
Misinformation
Disinformation
Fact Check
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT