FACT CHECK: ‘Di totoong nagboluntaryo si Baste Duterte bilang DND Secretary | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di totoong nagboluntaryo si Baste Duterte bilang DND Secretary

Kevin Luis Fernandez,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Dec 23, 2024 03:41 PM PHT

Walang basehan ang kumakalat na posts sa social media tungkol sa diumano’y pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na magpe-presenta siyang maging kalihim ng Department of National Defense (DND) sa 2028 at magpapatupad ng drug war sa Ilocos Norte.

Makikita sa mga nasabing post ang isang in-edit na quote card na sinasabing magpe-presenta raw si Duterte na maging DND Secretary at uunahin niya “ang anti-insurgency war at drug war sa Ilocos Region lalong lalo na sa Ilocos Norte dahil madaming NPA at mga addict doon.”

Base sa reverse image search, makikitang hango ang edited na bersyon ng larawan sa quote card ng SMNI Gikan sa Masa, Para sa Masa Facebook page na ini-upload noong Marso 25, 2024.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang host ng programang Gikan sa Masa, Para sa Masa na lumalabas sa Sonshine Media Network International (SMNI) channel. Si Baste ay anak ni dating Pang. Duterte na nagpatupad ng madugong drug war sa kanyang termino.

Ang orihinal na quote card ng SMNI ay tungkol sa pagdedeklara ni Duterte ng drug war sa Davao City. Inanunsiyo niya ito noong Marso 22, 2024 sa isang turnover ceremony para sa bagong direktor ng Davao City police.

Sa talumpati ni Duterte sa nasabing turnover ceremony, walang nabanggit tungkol sa intensyon niyang magpresenta na maging kalihim ng DND. Bukod sa deklarasyon ng drug war sa lungsod, binalaan ni Duterte ang mga nagtutulak ng iligal na droga at sinabihang umalis na kaagad.

Sa reverse image search, mapapansing Oktubre 10, 2024 unang lumabas ang nasabing in-edit na quote card. Nauna na itong na-fact check ng ibang fact-checking bodies pero lumabas ulit ito ngayong Disyembre 2024.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Baste Duterte
Davao City drug war
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT