'Walang friendly na jellyfish': Ilang safety tips kapag nadikitan ng dikya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Walang friendly na jellyfish': Ilang safety tips kapag nadikitan ng dikya

'Walang friendly na jellyfish': Ilang safety tips kapag nadikitan ng dikya

ABS-CBN News Intern,

Lawrence Coruno

Clipboard

Photo by Nikolay Kovalenko | Colin Viessmann on Unsplash

MAYNILA — Ipinaalala ng isang doktor na "walang friendly" na mga dikya o jellyfish upang maiwasan ang kaso ng jellyfish stings o salabay.

"Walang friendly na jellyfish. Mababa lang ang venom nila," payo ni Dr. Ted Esguerra, field doctor at emergency manager ng Energy Development Corporation, kabilang sa Philippine Inter-agency of Maritime Contingent.

Dahil natural na tambayan ng mga jellyfish o dikya ang dalampasigan, pinag-iingat ng mga eksperto ang beach goers sa pagdagsa nila sa dagat ngayong tag-init.

“Kung sa presence ng araw kasi at tsaka sa nutrients ng dagat, dumadami yung planktons, yung planktons, ‘yon yung pagkain nila (jelly fish),” pagpapaliwanag ni Esguerra.

ADVERTISEMENT

Ang mga dikya ay kilalang opportunistic dahil sa wala itong kakayahang lumangoy nang mabilis. Ito ang dahilan kung bakit kahit anong lumapit sa kanila ay agad nilang inaatake gamit ang nematocysts na naglalaman ng venom sa kanilang mga tentacles.

Sa mga ulat, karaniwang itinuturo ang Box Jellyfish sa kaso ng jellyfish stings sa bansa. Ang nasabing jellyfish ay kabilang sa Cubozoa class na Cnidarian invertebrates na kilala sa hugis parisukat o cube-shaped nitong ulo at kamandag.

“Sa unang studies, isang box jelly, kayang pumatay ng sampung tao. Ngayon nakita na nila, ang isang box jelly, kayang pumatay ng 60 adults.” sabi ni Esguerra.

Ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling madikitan ng jellyfish?

HUWAG IHIAN

Pagdidiin ni Esguerra, walang silbi ang ihi sa pag-neutralize ng lason ng dikya, bagkus mas mainam pa ang tubig-dagat o salt water bilang paunang-lunas.

Narito pa ang mga hakbang kung sakaling mabiktima o makaranas ng jellyfish sting:

Una, umalis agad sa dagat upang di na masundan ng mga dikya.

ADVERTISEMENT

Pangalawa, subukang alisin ang mga nakikitang stinger gamit ang gloves o anumang materyal gaya ng stick o card. Huwag hawakan ang apektadong balat nang walang proteksyon dahil posible pa itong makalason.

Sundan ito ng pagbuhos ng suka (vinegar) upang ma-neutralize ang venom at makatulong sa pagtanggal pa ng stingers.

Habang naghihintay ng ambulansiya, patuloy itong buhusan ng mainit na tubig na kaya ng biktima para tuloy-tuloy na ma-deactivate ang venom. Dapat mas mainit pa ito sa maligamgam upang lalong mabawasan pa ang lason dulot ng jellyfish.

Ayon sa dagdag na pag-aaral, ang venom ng jellyfish ay nadiskubreng heat-labile o nade-deactivate gamit ang mainit na temperatura. 

Ngunit kung hindi available, maaaring gumamit ng ice pack o ice compress, dagdag ni Esguerra.

ADVERTISEMENT

Sa pagpasok ng tag-init, kani-kaniyang paghahanda ang ginagawa ng mga Pinoy para sa beach trips. Ngunit payo ng mga eksperto, isama sa preparasyon para sa ligtas na summer vacation ang kaalaman sa paunang-lunas laban sa dikya o salabay.

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.