Bilyon-bilyon nawawala sa gobyerno sa mga pekeng produkto: BIR | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilyon-bilyon nawawala sa gobyerno sa mga pekeng produkto: BIR

Patrol Ng Pilipino
Published Nov 22, 2024 11:55 PM PHT

MAYNILA — Muling iginiit at hinikayat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na maging mapanuri at tangkilikin lamang ang mga lehitimong produkto na gawa ng mga rehistradong negosyo.

Ginawa ang panawagan matapos ang raid sa isang illegal na pagawaan ng sigarilyo sa San Rafael, Bulacan at sa mga warehouse kung saan itinatambak ang mga ibebenta sanang pekeng sigarilyo sa may Valenzuela.

Nakita ring hindi sumusunod sa mga patakaran sa sanitation ang pabrika base sa makalat at maruming kondisyon ng pagawaan.

Kinondena ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang iligal na operasyon at sinabing bukod sa nakaapekto ito sa mga lehitimong negosyo, nagdadala rin ng malaking kawalan ng kita sa gobyerno.

Hinahanap pa ang may-ari ng illegal na negosyo na pwedeng maharap sa patong-patong na kaso kabilang ang tax evasion at human trafficking.

—Ulat ni Job Manahan, Patrol ng Pilipino
Video produced by Tracy Diamante Cajayon