Halos 900 indibidwal sa Potrero, Malabon, nagpalipas ng gabi sa mga evacuation center | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos 900 indibidwal sa Potrero, Malabon, nagpalipas ng gabi sa mga evacuation center

Halos 900 indibidwal sa Potrero, Malabon, nagpalipas ng gabi sa mga evacuation center

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Halos 900 na indibidwal ang magpapalipas ng gabi sa iba't ibang evacuation centers sa Barangay Potrero, Malabon ngayong Miyerkules.

Ayon kay Edmond Callos, barangay secretary ng Portrero, nasa 707 indibidwal ang nasa Potrero Elementary School. Nasa 125 na indibidwal naman ang nasa evacuation center sa Araneta Village at 30 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa St. Peter's Chapel. 

Dagdag ni Callos, humupa na ang baha sa malaking bahagi sa Potrero pero naghihintay pa sila ng go-signal mula sa lokal na pamahalaan kung ligtas na bumalik ang mga residente.

Ayon sa rescue team nila, may lagpas bewang pa na baha sa White Lily St., Juliana St., Atis Street at Inda Maria St.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 3,671 na indibidwal ang nananatili sa iba pang evacuation centers.

Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang buong Metro Manila dahil sa pananalasa ng habagat at ng bagyong Carina.

KAUGNAY NA ULAT:






ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.