2 MMDA escorts na gumamit ng motorsiklong may PNP markings, iimbestigahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 MMDA escorts na gumamit ng motorsiklong may PNP markings, iimbestigahan

2 MMDA escorts na gumamit ng motorsiklong may PNP markings, iimbestigahan

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Nakalaya na ang dalawang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel na unang inaresto ng pulisya habang sila ay nag-eescort ng isang pulitiko sa Diokno Avenue sa Paranaque nitong Miyerkules.

Magugunitang hinuli ng mga otoridad ang dalawang personnel sa kanilang "Oplan Wastong Hagad" matapos makitang may sticker ng Philippine National Police at naka-blinker ang motorsiklo na gamit ng mga MMDA personnel.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romand Artes, magsasagawa pa rin sila ng hiwalay na imbestigasyon upang matukoy kung may nilabag ba o may kasong administratibo ba na dapat isampa sa dalawang escorts.

Pero paglilinaw niya sa gamit na motorsiklo ng mga personnel na may PNP stickers, luma na ang mga ito at pinagpasa-pasahan na rin mula sa mga dating MMDA personnel na galing din ng pulisya. 

ADVERTISEMENT

"Nakailang salin na po ito sa iba't ibang mga motorcycle riders na along the way siguro kasi may mga opisyales kami dito sa MMDA na come and go na. Iyong iba ay galing sa PNP so baka along the way ay nadikitan po ito ng sticker ng pulis. Kaya po nalagyan po ng ganun, pero hindi na po namin madetermine kung kailangan exactly nalagay ang sticker na yan," sabi ni Artes.

Wala rin aniyang misrepresentation na nangyari dahil agad na nagpakilala na taga-MMDA ang dalawang personnel nang harangin sila ng mga tauhan ng PNP-HPG.

"In fact doon po sa aming initial na investigation, nung napara naman daw po ang aming mga tauhan ay agad naman daw po silang nagpakilala na galing silang MMDA so wala naman pong misrepresentation na sila po ay miyembro ng ating kapulisan," dagdag ni Artes.

Hindi rin umano bago sa MMDA ang pagbibigay ng assistance sa mga high ranking officials at foreign dignitaries.

"Hindi po permanent na naka-assign ang dalawang motorcycle riders na yan kay Senator [Francis] Tolentino. Just like any other requests kami po ay nagbibigay ng assistance sa atin pong mga government officials, sa mga foreign dignitaries, ‘pag minsan tight ang schedule, pinagbibigyan po natin yan na tayo po ay nagaassist," sabi ni Artes.

ADVERTISEMENT

Sinabi rin ni Artes na nakisuyo lamang sa kanila si Tolentino noong araw na iyon, dahil may mga mahalagang lakad ang senador. 

"Galing yata po ng probinsya si Senator Francis at may nakapaimportante meeting siya kay ES Bersamin, kaya sya ay nagmamadali kaya nag-request po siya ng assistance sa atin na atin naman pong pinagbigyan, so dahil meron pa rin daw siyang lakad after so nag-coordinate po siya sa office natin na mabigyan ng assistance para ma-fulfil niya ang kanyang trabaho," sabi ni Artes.

"Unfortunately na-flag down ang kanyang sasakyan kasama ang ating mga motorcycle escort, noong after ng meeting niya with ES papunta na po sa next meeting niya, dahil nga po may operations po ang PNP against yung nag-eescort  nag-momoonlight at nag-e-escort sa mga POGO at sa ibang private individual na bawal. In this particular instance, hindi naman po siya bawal dahil government official ang ating inassist, regular naman po nating ginagawa yan tulad noong FIBA, kapag may dumadating po na foreign dignitaries, yung mga counterpart po nila dito sa Pilipinas, minsan narerequest po ng assistance sa atin," dagdag niya.

Pinasilip na rin ni Artes ang lahat ng mga motorsiklo at sasakyan na gamit ng kanilang mga personnel at pinaalis ang ilan pang PNP stickers na nakita nila sa ilang mga motorsiklo.

"As of yesterday, pina-inventory ko naman lahat naman ay tiningnan wala naman po na ganun, parang may ilan lang na pinatanggal na rin po namin.So masasabi po namin na hindi naman namin polisiya or sinasadya na maglagay ng stickers na yan to misrepresent ourselves," sabi ni Artes.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, hinihintay na lang nila ang report ng HPG hinggil sa insidente para gumulong na ang kanilang administrative investigation.

"Hinihintay ko po yung formal na report ng HPG, para makaaksyon po kami, maimbestigahan kung may dapat pananagutan yung ating tauhan. So yun lang naman po, kami po ay nakikipag-ugnayan naman kay Chief Marbil ng PNP. In fact sabi niya nga po na magcrcreate at magre-request siya na mag-create ng interagency na committee na babalangkas ng panuntunan regarding nga po ng ganitong mga pangyayari," sabi ni Artes.

"Kami naman po ay may interagency cooperation, coordination at courtesy so asahan nyo po na kami po ay magcocooperate at makikipag-ugnayan in fact kausap ko na rin po si Sec. Abalos regarding this incident at ireresolve po namin ito sa maayos na pag-uusap," dagdag niya. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.