FACT CHECK: DSWD, ‘di totoong may educational assistance para sa lahat ng estudyante | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: DSWD, ‘di totoong may educational assistance para sa lahat ng estudyante

FACT CHECK: DSWD, ‘di totoong may educational assistance para sa lahat ng estudyante

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Dec 13, 2024 09:30 PM PHT

Clipboard

Walang educational assistance para sa lahat ng estudyante ang Department of Social Welfare and Development o DSWD, taliwas sa post ng Facebook page na “Filipino Gazette.”

Mababasa sa caption at larawan na kalakip ng post na ang diumano’y buwanang allowance mula sa DSWD ay nagkakahalaga ng mula P1,000 hanggang P4,000 depende sa antas ng  edukasyon ng estudyante. Ayon sa larawan, na may logo ng DSWD, ang deadline ng aplikasyon para sa nasabing educational assistance ng ahensiya ay Mayo 28, 2024.

Kung pupuntahan ang link na nakalagay sa caption ng post, dumidirekta ito sa isang blogspot website na may pangalang “DSWD MONTHLY EDUCATION” at hindi sa opisyal na website ng DSWD. Sa blog site, hinihingi mula sa user ang personal na impormasyon katulad ng pangalan, e-mail address, at cellphone number.


A screenshot of a computer

Description automatically generated

Sa isang post sa kanilang opisyal na social media account noong Abril 17, 2024, pinasinungalingan ng DSWD ang isang post na may katulad na detalya na ibinahagi ng isa pang uploader.

 

“[Ang post] ay gumagamit ng identidad ng DSWD nang walang pahintulot at nagpapakalat ng mga misleading content patungkol sa programa ng ahensya,” ayon sa DSWD.



Sabi ng DSWD, “walang katotohanan na muli [itong] magbibigay ng ‘educational assistance’ sa mga mag-aaral.” Paglilinaw nila, sa kasalukuyan, “ang educational assistance sa ilalim ng  Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng DSWD ay wala pang tiyak na detalye kung kailan ito magsisimula.”

Dagdag ng DSWD, ang kasalukuyang pinapatupad ng ahensiya ay ang Tara, BASA! Tutoring Program.” Ito ay isang “reformatted educational assistance ng Kagawaran [na] gumagamit ng Cash-for-Work (CFW) intervention para sa mga pamilyang may mabababang kita na nasa mahirap na kalagayan.”

Sa ilalim ng  Tara, BASA! Tutoring Program, maaaring makatanggap ang mga estudyanteng nasa kolehiyo ng P500 kada araw sa loob ng 20 araw kapalit ng pagsisilbi nila bilang tutor o youth development workers. Ang mga magulang na makikilahok sa teaching sessions ay tatanggap din ng P235 kada araw.

Noong  Setyembre 2023 nang huling nakatanggap ng cash payout ang mga nasa ilalim ng AICS program . Ang mga  kwalipikadong estudyante ay ang mga sumusunod:

  1. Breadwinner
  2. Working Student
  3. Ulila o inabandona na nakatira sa kaanak
  4. Anak ng solo parent
  5. Walang trabaho ang mga magulang  

Sa  pag-apply para sa assistance, kinailangang magdala ng valid ID ng taong iinterviewhin, authorization letter, validated school ID, at enrollment assessment form o certificate of enrolment/registration o statement of account. 

Ang mga kwalipikadong indibidwal para sa educational assistance ay nag-apply sa DSWD Central Office at mga field offices nito. Isang paraan din ang pagsend ng email request sa ciu.co@dswd.gov.ph.

Paalala ng ahensya, kilatising mabuti ang mga nababasa online upang hindi mabiktima. “Huwag magtiwala at huwag magpaloko sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source dahil maaari kayong maging biktima ng SCAM,” ayon sa DSWD.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang mga nagpapanggap na lehitimong account ng DSWD.

—with research from Hanah Coleen Reformado, ABS-CBN Investigative and Research Group Intern

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.