Robbery o theft? Ano ang dapat ikaso ng isang nanakawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Robbery o theft? Ano ang dapat ikaso ng isang nanakawan

Robbery o theft? Ano ang dapat ikaso ng isang nanakawan

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 19, 2017 07:14 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ano nga ba ang kaibahan ng theft sa robbery?

Ang mga reklamong theft at robbery na maaaring ihain laban sa isang salarin sa pagnanakaw ang tinalakay sa programang "Usapang De Campanilla" nitong Lunes.

Batay sa Revised Penal Code, maituturing na theft ang isang krimen kapag nagnakaw ngunit walang karahasan, pamumuwersa o pananakot na idinulot sa biktima.

"Walang violence upon the thing 'tsaka upon the person. Walang forced action. Theft siya," ani Atty. Claire Castro.

ADVERTISEMENT

Halimbawa ni Castro'y kung tinangay ang isang cellphone habang nakabaling ang pansin ng may-ari nito sa ibang bagay.

Pasok rin sa theft ang taong nakahanap ng gamit na hindi sa kaniya subalit hindi nag-abalang dalhin ito sa mga awtoridad o ibalik sa may-ari.

Kasama rin sa theft ang pagkuha sa mga bagay na unang nakalagay sa loob ng isa pang bagay na sinadya namang sirain ng salarin.

Itinuturing ding theft ang pagpasok sa lupain ng iba at paghuli ng mga hayop dito o pagkakitaan ang mga produktong tumutubo rito.

Robbery naman ang reklamo sa mga taong nagnakaw at gumamit ng dahas.

ADVERTISEMENT

Itinuturing ding robbery ang panloloob sa mga bahay at pampubliko o pribadong gusali.

Nakabatay sa halaga ng ninakaw ang haba ng pagkakakulong ng salarin.

Maaaring patawan ng prision mayor kapag umabot sa higit P12,000 pero hindi bababa ng P22,000 ang halaga ng ninakaw.

Anim hanggang 12 taon ang tagal ng pagkakakulong sa ilalim ng prision mayor.

Mas mabigat na parusa ang maipapataw sa mga gumawa ng robbery, batay sa danyos.

ADVERTISEMENT

Halimbawa, maaaring maparasuhanan ng reclusion perpetua ang salarin kung nakapatay habang ginagawa ang robbery.

Mapapatawan din ng reclusion temporal ang mga nakagawa ng robbery at may karagdagang reklamo ng rape, mutilation, at physical injuries.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.