Magsasaka patay matapos matuklaw ng cobra sa Davao de Oro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magsasaka patay matapos matuklaw ng cobra sa Davao de Oro

ABS-CBN News
Published Dec 14, 2021 10:18 AM PHT

Patay ang isang magsasaka matapos tuklawin ng isang banakon o King Cobra sa Barangay Olaycon sa bayan ng Monkayo, Davao de Oro, Lunes ng hapon.

Kinilala ng Monkayo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima na si Rodrigo Ugay Dijos.

Ayon kay Barangay Kagawad Barry Gina Labrigas, pauwi na sana sa bahay si Dijos na angkas ng isang motorsiklo nang makita ang grupo ng kalalakihan na pinagtutulungang patayin ang banakon.

Bumaba sa motorsiklo si Dijos na umano’y nakainom rin, para tumulong sa paghuli sa cobra.
Bumaba sa motorsiklo si Dijos na umano’y nakainom rin, para tumulong sa paghuli sa cobra.
ADVERTISEMENT
Nakunan pa siya ng litrato na hawak-hawak ang cobra na napatay niya, pero natuklaw na pala siya sa kanyang likod at mukha.

Dinala pa sa isang albularyo si Dijos pero ayon kay Labrigas, nawalan na ito ng malay at iniuwi ng kaniyang pamilya.

- Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT