Mga taga-Albay naghahanda na sa pagpasok ng bagyong Kammuri | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga taga-Albay naghahanda na sa pagpasok ng bagyong Kammuri

Mga taga-Albay naghahanda na sa pagpasok ng bagyong Kammuri

Karren Canon,

ABS-CBN News

Clipboard

Puspos ang paghahanda ng mga residente ng Albay sa inaasahang pagpasok ng bagyong Kammuri sa bansa. Una kasing inaasahang tatamaan ang rehiyon ng Bicol, kung saan matatagpuan ang probinsiya.

CAMALIG, Albay - Inani na ng ilang residente sa Barangay Anoling sa bayan na ito ang mga pananim nilang gulay Biyernes ng umaga para sa paghahanda sa pagpasok sa bansa ng bagyong Kammuri, na inaasahang mananalasa sa rehiyon ng Bicol, kung nasaan ang Albay.

Mas mabuti umano na maaga nang anihin ang mga pananim kesa masira bunsod ng malakas na pag-ulan na dala ng bagyo, na nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility. Pagtitinda ng gulay kasi ang isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga residente sa Anoling.

Sa Legazpi City, naghahanda na rin ang mga residente, kagaya ng mga nasa Barangay Padang na nakatira sa tabing ilog. Inihanda na nila ang mga gamit na dadalhin sakaling kailanganing lumikas.

Ayaw na umano nila maulit pa ang nangyari noong manalasa ang bagyong Reming noong 2006, kung kailan isinantabi lang nila ang malakas na buhos ng ulan.

ADVERTISEMENT

Mahigit 700 ang namatay sa bagyong ito.

Bukas ang ika-13 anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Reming sa Bicol. Isang misa ang kanilang iaalay bukas para sa mga namatay sa trahedya.

Kasabay din nito ang kanilang panalangin na nawa'y huwag nang tumama ang bagyo sa Bicol at sa ibang parte ng bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.