Davao City naghigpit sa health protocols matapos ibalik sa GCQ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Davao City naghigpit sa health protocols matapos ibalik sa GCQ

Davao City naghigpit sa health protocols matapos ibalik sa GCQ

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinalik sa general community quarantine ang Davao City matapos dumami ang mga nagkakaroon ng COVID-19 sa lugar. Retrato mula sa Davao City Information Office

Mas hinigpitan ang health protocols sa Davao City, na muling isinailalim sa general community quarantine (GCQ) dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.

Nakararanas ng trapiko sa mga lugar sa lungsod kung saan may quarantine control points dahil sa pinaigting na pagbabantay ng mga awtoridad.

Mapa-pribado o pampublikong sasakyan, lahat ng motorista'y hinahanapan ng food and medicine pass, na ibinalik ng lokal na pamahalaan.

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagpapasuot ng face mask sa mga taga-Davao City maging sa mga bisita.

ADVERTISEMENT

Gusto na lang manatili sa bahay ng residenteng si Anacleta Alconera pero kailangan umano niyang lumabas para maghanap ng trabaho.

Ayon kay Alconera, nangangamba siya lalo't lumalala ang COVID-19 cases sa lungsod.

Umabot na sa 5,994 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Davao City.

Sa bilang na iyon, 3,729 ang gumaling at 227 ang namatay.

Sa inilabas na COVID-19 case bulletin ng Department of Health mula Nobyembre 1, 9 na beses nanguna ang Davao City sa mga lungsod at lalawigan na may pinakamataas na daily cases.

Pinakamarami noong Nobyembre 12 na may 214 cases.

Ayon sa Davao City Health Office, maituturing na second wave ang nangyari sa Davao simula kalagitnaan ng Oktubre dahil sa local transmission.

Lumabas naman sa pagsusuri ng OCTA Research Group na nagkaroon ng significant improvement ang sitwasyon sa Davao dahil sa agresibong pag-responde.

Pero hindi pa kumbinsido ang city health office na bumuti na ang sitwasyon.

"Hindi ako nag-consider ng change because of the two-day decrease in the number of cases," ani Dr. Ashley Lopez ng Davao City Health Office.

Pero ayon kay Lopez, malaki ang tulong ng pagdating ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) response team sa Davao City at pagtatag ng "One Hospital" command center.

Hindi naman kailangang bawasan ang economic activities sa lungsod dahil manageable ang kaso, ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez.

Kasama rin sa mga hakbang kontra COVID-19 sa Davao City ang pagpapatupad ng curfew mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, 24-hour liquor ban hanggang katapusan ng taon, pagkakaroon ng QR code na magsisilbing electronic contact tracing form at travel pass, at pagbabawal ng pangangaroling.

Inaprubahan na rin ng konseho ang ordinansa na magmumulta at magpaparusa sa mga indibidwal at negosyo na hindi tumutupad sa physical distancing.

Pinag-aaralan naman ang posibilidad ng pagpapalawig ng GCQ sa Davao City hanggang Disyembre.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Ulat ni Hernel Tocmo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.