Baha sa Pampanga inaasahang huhupa na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baha sa Pampanga inaasahang huhupa na

Baha sa Pampanga inaasahang huhupa na

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2020 06:41 PM PHT

Clipboard

Nalubog sa baha ang ilang lugar sa Pampanga dahil sa pagbagsak ng tubig sa mga lugar na naapektuhan ng mga bagyo. Retrato mula kay Melvin Salac

Nabasa ang lahat ng gamit sa bahay ni Marina Manimbu bunsod ng mga bahang dala ng bagyong Ulysses.

Nasa 3 talampakan ang taas ng tubig sa loob ng bahay ni Manimbu sa bayan ng Candaba, Pampanga.

Pero higit na nanlumo si Manimbu dahil tinangay ng Ulysses ang kanilang bubong at kisame.

"Natakot nga, ninerbyos na nga ako, tumaas pa presyon ko. Kaya nagbakwit kami sa kabilang bahay," ani Manimbu.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Hilton Hernando, hepe ng Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center, totoong may tubig na bumaba sa Pampanga galing sa mga lugar na naapektuhan ng mga bagyo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero naabot na nito ang pinakamataas na antas noong gabi ng Sabado at umaga ng Linggo, at maaari nang magsimulang humupa sa gabi ng Linggo.

"Nagle-level off na... Hopefully, ang tingin namin, starting late tonight, early morning, pa-subside na," ani Hernando.

Umarangkada na rin ang Pampanga provincial government sa pagbibigay ng relief goods sa lahat ng naapektuhan ng baha.

Tuloy-tuloy din ang dredging operations ng mga munisipyo at kapitolyo sa Pampanga River at ongoing third river project ng national government, na siyang nakikitang long-term solution sa problema sa baha ng Pampanga.

Sa Bulacan, lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi ng Paombong, Hagonoy at Calumpit.

-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.