Hirit ng Tiwi mayor sa telcos: 'Sana di kayo nawawala pag bagyo' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hirit ng Tiwi mayor sa telcos: 'Sana di kayo nawawala pag bagyo'

Hirit ng Tiwi mayor sa telcos: 'Sana di kayo nawawala pag bagyo'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

LEGAZPI CITY, Albay — Karawaning makikita sa iba't ibang bahagi ng Albay ngayon ang mga kumpulan ng tao sa mga tulay o palayan.

Mayaman o mahirap, iisa ang hanap nila: signal ng cellphone.

Para sa mga bayan gaya ng Tiwi na napuruhan matapos mag-landfall ang bagyong Rolly sa kanila, hindi luho ang signal kundi senyales ng pag-asa.

Marami kasi gustong makontak ang mga kamag-anak sa labas ng bayan para sa ayuda o para man lang maipaalam na ligtas sila.

Sa barangay Bolo na katabi ng dagat, 60 ang bahay na nakatayo noon. Pero matapos ang bagyo at storm surge sa lugar, 3 na lang ang natira.

ADVERTISEMENT

Kuwento ng mga taga-barangay, sumilong sila sa chapel ng kanilang barangay noong kasagsagan ng bagyong Rolly pero tinangay ang yero nito.

Kaya’t lahat sila tumakbo sa banyo at doon nagsiksikan kasama ang mga bagong silang na sanggol para taguan ang hambalos ni Rolly.

Ayon sa alkalde ng Tiwi, higit 2,000 bahay ang tuluyang nawasak sa bayan at higit 10,000 bahay naman ang nasira.

May hirit naman siya sa mga telco.

"Sa mga telco companies sana magawan ng paraan na sa oras ng bagyo, sana hindi mawala [ang signal] kung kailan kailangan sila. Before, during, and after typhoon nandoon 'yung telecommunication. Kasi talagang napakahalaga," ani Tiwi, Albay Mayor Jaime Villanueva

Mahirap din aniya ngayon ang koordinasyon para sa mga gustong tumulong lalo pa’t paubos na rin ang pondo ng bayan.

—Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.