Mga pasahero dagsa na sa Batangas Port | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pasahero dagsa na sa Batangas Port

Mga pasahero dagsa na sa Batangas Port

Paulo Ferrer,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagdagdag ng bagong walk-thru metal detector ang Asian Terminals Inc at nagpakalat din ng mga K9 unit ang Philippine Coast Guard bilang dagdag seguridad sa mga pasaherong dadagsa sa Batangas Port. Paulo Ferrer, ABS-CBN News


BATANGAS CITY – Nagsimula na ang pagdagsa ng mga pasahero sa Batangas Port na pauwi sa kani-kanilang probinsiya para sa paggunita ng Undas.

Karamihan sa mga pasahero ay mas piniling agahan ang pag-uwi para makaiwas sa dagsa ng mga biyahero at sa posibleng pagkaantala ng biyahe na maaring idulot ng bagyong Rosita na nakapasok na sa bansa, Sabado ng umaga.

Tiniyak naman ng Philippine Coast Guard Batangas at ng Asian Terminals Inc (ATI) na nananatiling prayoridad nila ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.

Naka-deploy na ang dagdag na mga K9 unit at tauhan ng Philippine Coast Guard habang naglagay ng mga bagong walk-thru metal detector ang ATI.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala naman sila sa mga biyahero na sumunod na patakaran sa loob ng pantalan para maiwasan ang delay sa biyahe at manatiling nakaantabay sa mga anunsyo kaugnay sa posibleng kanselasyon ng biyahe dahil sa paparating na bagyong Rosing.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.