Minimum na pasahe sa jeep, P10 na simula Nobyembre | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Minimum na pasahe sa jeep, P10 na simula Nobyembre

ABS-CBN News
Published Oct 17, 2018 04:36 PM PHT
|
Updated Oct 17, 2018 07:50 PM PHT

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 dagdag sa minimum na pasahe sa mga jeep, na magsisimula sa Nobyembre.

Sa inaprubahang petisyong inilabas nitong Miyerkoles, pumayag ang LTFRB na gawing P10 ang minimum na pasahe sa mga jeep mula P8.

Kasalukuyang nasa P9 ang minimum na pasahe matapos aprubahan ng LTFRB noong Hulyo ang P1 provisional fare increase o pansamantalang dagdag sa pasahe.

Dahil sa bagong desisyon, nawalan ng bisa ang provisional increase.

ADVERTISEMENT
Magiging epektibo ang desisyon 15 araw matapos itong ilathala sa mga pahayagan kaya sisimulan lang itong ipatupad sa unang linggo ng Nobyembre.

Lumagda sa inaprubahang petisyon sina LTFRB chairman Martin Delgra at board member Ronaldo Corpus.

Lumagda rin si board member Aileen Lizada pero para ihayag ang kaniyang dissent o pagtutol.

--Ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT