19 estudyante, 4 guro nagka-COVID sa Mati City mula noong school opening: LGU | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

19 estudyante, 4 guro nagka-COVID sa Mati City mula noong school opening: LGU

19 estudyante, 4 guro nagka-COVID sa Mati City mula noong school opening: LGU

ABS-CBN News

Clipboard

Aabot sa 19 estudyante at 4 na guro ang tinamaan ng COVID-19 sa Mati City, Davao Oriental mula nang mag-umpisa ang pasukan noong Agosto 22, sabi noong Sabado ng lokal na pamahalaan.

Sa 8 paaralan sa mga barangay ng Badas, Sainz, Matiao, Central, Lawigan, Dahican, Don Enrique Lopez at Don Salvador Lopez naitala ang mga kaso, ayon sa Mati Incident Management Team (IMT).

Noong Agosto 30 naitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa isang paaralan pero naituring din itong "recovered" o gumaling sa sakit noong Setyembre 6.

Hanggang noong Sabado, 6 lang ang active COVID-19 cases sa mga paaralan sa Mati. Sa kabuuan, may 30 active cases sa lungsod.

ADVERTISEMENT

Ayon kay IMT Commander Der. Ben Hur Catbagan Jr., karamihan sa mga pasyente ay asymptomatic o walang sintomas at nagho-home quarantine.

Naiwasan umano ang matinding pagkalat ng virus dahil sa mabilis na ugnayan ng local government sa mga paaralan at komunidad.

Base sa panuntunan sa lungsod, kailangan isara nang 4 hanggang 5 araw para sa disinfection ang mga classroom kung saan nagkaroon ng positibong kaso ng COVID-19.

Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) ang full face-to-face classes sa lahat ng paaralan simula Nobyembre 2 pero noong pagbubukas pa lang ng School Year 2022-2023 ay marami nang paaralan ang nagpatupad nito.

Nauna na ring sinabi ng DepEd na binabantayan nito ang ulat ng mga hawahan ng COVID-19 sa mga paaralan. Ipinauubaya na rin ng ahensiya sa mga lokal na pamahalaan ang paglalabas ng datos ng mga kaso ng COVID-19 sa mga paaralan.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.